Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanuba ng utang grabe sa tarak ng vendor

KRITIKAL ang  isang mister matapos singilin at hindi makapagbayad ng utang sa isang vendor sa Malabon City, kamakalawa  ng hapon .

Kritikal ang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Antonio Tates, 34-anyos, ng 400 Sitio Gulayan, Brgy. Catmon, sanhi ng  dalawang saksak sa dibdib.

Agad naaresto ang suspek na si Jessie Ratoni, 59-anyos, vendor at residente  ng Sitio 6 ng na-sabing barangay na nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Sa ulat ni PO1 Benjamin Sy, Jr., may hawak ng kaso, dakong 6:10 ng gabi kamakalawa nang maganap ang  insidente  sa kanto ng Gov. Pascual Avenue at Sanciangco St., Brgy. Tonsuya ng lungsod.

Nakaupo umano ang biktima nang lapitan ng suspek at ipaalala rito ang matagal nang pagkakautang na ikinagalit ni Tates hanggang mauwi sa mai-nitang pagtatalo.

Dito na bumunot ng patalim ang suspek at tina-rakan ang biktima na tinamaan sa dibdib.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …