Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ritz, nakikipag-patalbugan kay Alice

NATUTUWA si Ritz Azul dahil maganda ang kanyang papel bilang asawa ni Derek Ramsey sa bagong drama series ng TV5 na For Love or Money.

Nang nakausap namin si Ritz sa laro ng PBA D League kamakailan, sinabi niya na hindi lang sa pagpapa-seksi siya nagpapakitang-gilas, kundi na rin sa pag-aarte kasama sina Derek at Alice Dixson.

Unang nagkasama sina Ritz at Derek sa  Kidlat samantalang nakatrabaho na ni Ritz si Alice sa Glamorosa.

Sa isang eksena, nagsuot si Alice ng two-piece bikini na hindi pa niya ginagawa sa mga rati niyang pelikula.

Sa panig ni Ritz, sanay na siya na magsuot ng bikini dahil nagawa niya ito sa Misibis Bay at sa pagiging cover girl ng isang men’s magazine.

“Mature kasi ang role ko sa ‘For Love or Money’,” ayon kay Ritz. ”Marami ang natutuhan ko kay Alice at maganda ang chemistry namin ni Derek. Experiment ito ng TV5 kaya weekly naipalalabas.”

Kinompirma ni Ritz na magpapalabas ang TV5 ng replay ng For Love or Money,  kasama ang  Positive ni  Mart Escudero,  tuwing Linggo ng gabi mula10:00 p.m.-12:00 midnight pagkatapos ng The Mega and the Songwriter.

“Catch-up kasi tuwing Sunday para sa mga hindi nakapanood sa Thursday,” dagdag ni Ritz. ”May replay din ng ‘Misibis Bay’ ko araw-araw.”

James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …