Saturday , November 23 2024

Arnold Clavio, ipinasususpinde sa GMA-7 dahil sa pambabastos

MARAMI ang nainis at nayabangan kay Arnold Clavio nang kapanayamin niya last Tuesday sa Unang Hirit ang abogado ni Janet Lim Napoles na si Atty. Alfredo Villamor.

Sa naturang phone patch interview ay tila biglang nainis si Clavio kay Atty. Villamor kaya nagbitiw ito ng mga salitang, ‘Pangsira ka ng araw e’, ‘Tatawa-tawa ka pa e’, ‘Sige na ho, wala akong nakuha sa iyo,’ at ‘Sana hindi na kita tinawagan e.’

Dahil dito, lumabas ang naturang insidente sa YouTube at Facebook at kinalaunan ay nag-trending ito sa Twitter. Dito na nag-react ang maraming netizens sa sinasabi nilang kagaspangan ng inugali ni Arnold sa kanyang panayam.

Maraming netizens ang nayabangan kay Arnold, ang iba ay nagsabing ang naturang GMA news anchor ay naging rude, unethical ang ginawa, bastos, at iba pang maaanghang na komento.

Iyong iba ay nagpahayag ng pagkagulat at may nagsabi rin na nanghihinayang sila dahil hinahangaan pa naman nila si Arnold. May mga netizens na nagsasabing dapat masuspinde si Arnold sa kanyang ginawa at ang iba ay nagtataka naman kung bakit walang aksiyon ang GMA-7 hinggil sa isyung ito. Tinatanong pa ng ibang netizens kung ano na ang nangyari sa ipinangangalandakan ng Siyete na ‘Walang Kinikilingan, walang pinoprotektahan, ser-bisyong totoo lamang… dahil sa kawalan nila ng aksiyon sa inugali ni Clavio.

Samantala, naaliw naman ang mga manonood ng It’s Showtime sa panggagaya (o medyo pang-aalaska?) ni Vice Ganda sa naturang panayam ni Arnold kay Atty. Villamor nang i-spoof ito ng komedyano. Nagpapatawa lang kaya rito si Vice  o resbak niya ito kay Arnold dahil sa mga banat ng GMA News anchor kay Vice sa kainitan ng rape joke sa kanyang concert at nang gawin niyang katatawanan ang pagiging malusog ni Jessica Soho na bossing ni Arnold sa GMA-7?

Anyway, kahapon (Nov. 7) ay humingi ng pang-unawa si Arnold sa kanyang inasal at umaming lumampas siya sa kanyang limitasyon bilang media practitioner.

Ayon kay Clavio: Ang tanging intensiyon ko po lamang, tulad po ninyo, ay makakuha ng impormayson mula kay Atty. Alfredo Villamor, patungkol po sa pagpunta ni Ms. Janet Lim-Napoles sa Senado.

Sa ngayon, siya [Atty. Villamor] lang po ang kilala na-ming natitirang abogado ni Napoles, kaya siya lamang po ang kinausap namin… na umaasa na makakuha ng impormasyon tungkol sa nasabing Senate hearing.

Sa sidhi kong malaman ninyo ang balita, inaamin ko po na lumampas ako sa aking limi-tasyon, at humihingi ako ng una-wa kung may nasabi man ako na wala sa lugar.

Maraming salamat po.

Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya humingi ng dispensa kay Atty. Villamor na si-yang biktima talaga sa insiden-teng ito.

Heber Bartolome, may benefit

concert sa Ka Freddie’s Music Bar

MAY benefit concert ang isa sa Pinoy Rock exponent na si Heber Bartoleme para sa miyembro ng Banyuhay at ka-patid niyang si Levi Bartoleme. Gaganapin ito sa Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant sa 120 Tomas Morato, Quezon City sa November 17, 2013, Sunday, 9:30 ng gabi,

Nitong nakaraang buwan ay isinugod sa ospital si Levi at sa kakulangan ng gastusin sa pagpapagamot sa kanya, nagsagawa sila ng benefit concert. Na-ging matagumpay naman ang naturang concert pero dahil sa kakulangan at laki pa rin ng gastusin para sa patuloy na gamutan ni Levi, mayroon itong part-2!

Sa pangunguna ni Katotong Charlie Lozo na siyang director din nito, isang back 2 back 2 back concert ang inorganisa niya na ang lahat ng kikitain ay ibibigay kay Levi. Makakasama rito ni Heber at Ang Banyuhay ang former That’s Entertainment member at actor na si Tyrone Oneza na muling nagbalik-Pinas matapos maging matagumpay sa Barcelona, Spain. Tampok din dito si Roweno Tecson na isa sa mga mainit ngayong mang-aawit na ang estilo ay pinaghalong Yo-yoy Villame, Eddie Peregrina, Max Survan, at Renz Verano.

Ipakikilala rin sa nasabing concert ang protegee ni Tyrone na si Martina Ona mula pa rin sa Barcelona, Spain at ang estudyante ni Heber na si Dominic Gumamela ng Bicol.

Kita-kits tayong lahat sa Ka Freddie’s Music Bar and Restaurant sa November 17 para sa isang gabi ng matitinding tugtugan at kantahan bilang alalay sa isang magaling na musike-rong tulad ni Levi.

Nonie V. NIcasio

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *