Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Apology sa PH bago sa HK

NANAWAGAN ang People’s Movement for the Rule of Law and Propriety (PMRLP) kay pinatalsik na pangulo, sentensiyadong mandarambong at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na sa sambayanang Filipino muna humingi ng kapatawaran sa pandarambong sa kaban ng bayan bago atupagin ang paghahatid ng apology ng Maynila sa Hong Kong kaugnay sa 2010 Luneta hostage crisis.

“Pinatunayan ng Sandiganbayan matapos ang anim na taon paglilitis na guilty sa kasong pandarambong si Erap noong 2007 ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya humihingi ng tawad sa atraso niya sa taong bayan kaya nakapagtataka ang kakaibang ‘concern’ niya sa paghingi ng apology sa Hong Kong, kahit wala naman siyang kinalaman sa Luneta hostage crisis,” ayon sa tagapagsalita ng PMRLP na si Peter Talastas.

Hiling pa ng PMLRP kay Erap, pagtuunan din ng sapat na atensiyon ang pagtalima sa desisyon ng Sandiganbayan sa kaso niyang plunder na pinababalik sa kanya sa kaban ng bayan ang P545.29 milyon na inilagak niya sa Erap Muslim Youth Foundation at P189 milyon idineposito sa Jose Velarde account, kasabay ng masigasig niyang pangongolekta ng kuwarta sa mga negosyanteng Filipino-Chinese para ibigay bilang compensation sa mga biktima ng Luneta hostage crisis.

Hinimok pa ng PMLRP ang Sandiganbayan na obligahin si Erap na tuparin ang lahat ng nakasaad sa kanilang hatol bilang patunay na ang anti-graft court ay naninindigan sa maayos na pagpapatupad ng batas sa ating bansa.

“Ang guilty verdict kay Erap sa kasong plunder ay isang malinaw na halimbawa na walang kinikilingan ang pagpapairal ng batas sa Filipinas. Ngunit mababalewala ang lahat ng pagsusumikap, lalo na ng media na nagsaliksik at nagbulgar ng katiwalian sa rehimeng Estrada kapag hinayaan na suwayin niya ang hatol ng Sandiganbayan,” giit ni Talastas.

Kombinsido ang PMLRP na napapanahon ang ‘paniningil’ ng sambayanang Filipino at Sandiganbayan kay Erap dahil magsisilbing inspirasyon sa adbokasiya kontra-katiwalian lalo na’t isasalang sa paglilitis sa kaso rin ng pandarambong ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kaugnay sa pork barrel scam bunsod nang pagsisiwalat ng mga whistleblower na pawang mga ordinaryong mamamayan.

(PERCY LAPID)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …