MATABIL
ni John Fontanilla
THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong 2026 ay isang malaking project kaagad ang sumalubong sa kanya.
Nakuha siyang lead sa isang instant noodles commercial na magsisilbing kauna-unahang lead project na gagawin.
“Sobrang thankful po ako tito John, dahil first time ko magli-lead sa isang commercial.
“Napakagandang buena-manong project para sa taong ito,” ani Ralph.
Bukod sa commercial ay may mga nakatakda rin itong gawing pelikula at mapapasama rin ito sa isang teleserye.
“After po ng mga pelikula na ginawa ko ng 2025, may mga offer po sa aking movie ngayon, pero pinag-uusapan pa namin ng manager ko kung ano ‘yung tatanggapin.
“May inquiry din po na teleserye, pero ayoko pa pong sabihin hanggang hindi pa po ako nakakapag-taping, baka kasi po ‘di matuloy.
“And hopefully po nagsunod-sunod ‘yung mga commercial na gagawin ko ngayong taon.”
At kahit nga abala sa kanyang showbiz career ay ‘di nito pinababayaan ang lumalaking negosyo, ang Siomura na napakasarap ng kanilang fried noodles at siomai, open na rin sila for Franchise, bisita lang sa kanilang FB Page at mag message.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com