
Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy ng pasyente, mas organisadong serbisyo, at mas komportableng lugar para sa mga pasyente.
Mas malinaw na ngayon ang access sa maayos na serbisyong pangkalusugan para sa halos 15,000 residente mula sa apat na barangay na sakop ng San Vicente Health Center sa Quezon City.
Sa tulong ng SM Foundation at ng lokal na pamahalaan ng lungsod, muling binuksan ang San Vicente Health Center, isang pasilidad na nakatuon sa dignidad, malasakit, at pangmatagalang kalusugan ng komunidad.

Sa tulong ng “homelike” na ambiance sa loob ng San Vicente Health Center, nakararamdam ang mga pasyente ng ginhawa at tiwala na siyang humihikayat sa kanilang magpagamot.
Matagal nang nagsisilbi ang health center sa komunidad sa likod ng kakulangan sa espasyo at lumang imprastraktura.
Sa pamamagitan ng suporta ng SM Foundation, hindi lamang inayos ang gusali kundi pinalawak din ang mga serbisyong inaalok. Mayroon na itong adolescent room, breastfeeding room, minor surgical room, mas maayos na consultation rooms, pharmacy, dental clinic, at mas maluwag na waiting areas.
Dinagdagan din ito ng DigiKonsulta upang mas mapalapit ang serbisyong medikal sa mga residente.

Sa tulong ng renovation, mas madaling maisasagawa ang isinusulong ng health center na preventive health care na tumutulong matukoy agad ang posibleng karamdaman at mapanatiling malusog ang mga pasyente.
“My vision for a health center is one that is aligned with universal health care, strong, inclusive, modern, and patient-centered, where we promote wellness, prevent disease, treat illness, and deliver quality care across all stages of life,” Dr. Dane Calica said.
Para kay District 4 Health Officer Dr. Marizel Wong, mahalaga ang kolaborasyon ng pribado at pampublikong sektor. “Malaking bagay ito because the public and private sectors really have to go hand in hand. If the private sector gives efficiency, the government gives equity.”

Sinusuportahan ng bagong pasilidad ang pagiging child-friendly ng San Vicente Health Center sa pamamagitan ng lalong pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan para sa mga ina at bata.
Mas ramdam na ngayon ang “homelike” na kapaligiran ng health center, isang pagbabagong naghihikayat sa mga pasyente na magpatingin nang mas maaga. “Because of the renovation, more patients are now willing to come to the health center early,” ani Wong. “This allows us to promote prevention and conduct early diagnosis, which helps reduce morbidity and mortality.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com