Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtataray ni Arnold sa abogado ni Napoles, umani ng batikos

NALOKA kami nang mapanood ang panayam ni Arnold Clavio sa lawyer ni Janet Napoles na si Atty. Alfredo Villamor sa Unang Hirit.

Pauli-ulit naming pinanood sa You Tube at nabastusan talaga kami.

Arogante ang dating ni Igan at  parang ‘di professional ang atake.

Ilan sa mga sinabi niya  habang kinakapanayam  ang nasabing lawyer ay,

“Nakakasira ka ng araw, eh!,” medyo tumaas niyang boses.

“Patawa-tawa ka pa!,” hirit pa niya kay Atty.

Nang tapusin niya agad ang panayam sey pa ni Arnold: “Hala sige po salamat po wala akong nakuha sa inyo..salamat po.”

Tama ba naman ang ginawa ni Igan? Feeling namin ‘yung code of ethics as a newscaster nawala.

Hindi naman format ng Tulfo Brothers ang show niya para gumanyan siya. Ang Tulfo ganoon ang style pero si Clavio, hindi ganoon.

Nabuking tuloy ang tunay niyang ugali.

Paano niya ipaliliwanag ngayon ang inasal niya? Para siyang niregla at mainit ang ulo samantalang umagang-umaga,’yun, huh!

Sa true lang, siya ang nakasira ng araw.

Trending na siya ngayon sa social media dahil parang pasuweldo lang niya ang  kausap niya. Hindi niya na-control ang temper niya. Very unbecoming sa isang Arnold Clavio kaya katakot-takot na hindi magandang reaksiyon ang ibinabato sa kanya.

Dapat talaga hindi siya maging rude dahil naglaan ‘yung tao ng oras at nagpaunlak na magpa-interbyu tapos babastusin lang.

Kung magaling siyang interviewer, sa pagkakataong ‘yun ay bumagsak siya dahil hindi niya na-handle nang tama.

Ano kaya ang hakbang na gagawin ng GMA News and Public Affairs head na si Marissa Flores at ng News programs head na si Jessica Soho sa inasal ni Arnold?

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …