RATED R
ni Rommel Gonzales
DAMANG-DAMA ang festive spirit sa Cebu ngayong weekend dahil dadalhin ng GMA Regional TV ang ilang Kapuso stars para sa masayang selebrasyon ng Sinulog 2026.
Ngayong araw, ay nagdala ng good vibes sa mga Kapusong Cebuano sina Allen Ansay kasama sina Althea Ablan, Larkin Castor, at Shan Vesagas sa fun-filled Kapuso Mall Show sa Ayala Central Bloc.
Sa Sabado, magkakaroon ng kaabang-abang na partisipasyon sina Vince Maristela, Cheska Fausto,at Cassy Legaspi sa Kapuso Mall Show sa The Terraces, Ayala Center Cebu.
Lalong magiging fun ang mall show experience ng mga dadalo dahil sa mga sorpresang hatid din nina Martin del Rosario, Mike Tan, at Beauty Gonzalez.
Hindi pa rito nagtatapos ang selebrasyon ng Sinulog dahil sa Linggo, January 18, ay tutungo sina Kim de Leon, David Licauco, at Jillian Ward sa SM City.
Gagawing extra special ng GMA Regional TV and Synergy ang Sinulog Festival via special live coverage ng Sinulog Grand Parade simula.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com