OPISYAL na ang pagpasok ng PlayTime Entertainment sa talent scene sa paglulunsad ng PlayTime IDOLS (PT IDOLS).
Isang malaking hakbang ito sa misyon ng kompanya na makabuo ng isang world-class entertainment ecosystem dito mismo sa Pilipinas.
Ang PT IDOLS ay isang next-generation platform na binuo para i-discover, i-develop, at bigyan ng spotlight ang susunod na wave ng performers, creators, at digital stars.
Ngayong ang industry ay lumipat na sa creator-led content at digital-first vibes, narito ang PT IDOLS para tiyaking laging nangungunA ang talentong Pinoy.
Kalimutan na ang old-school rules! Hindi lang ito traditional agency; ang PT IDOLS ay isang all-in-one hub na pinagsasama ang:
● Digital-First Branding: Sinisigurong bida ang stars sa mga platform na talagang trending.
● Content Creation: Tinutulungan ang creators na ikwento ang journey nila sa sarili nilang paraan.
● Commercial Partnership: Binubuksan ang pinto para sa big-brand opportunities sa iba’t ibang formats.
Ang PT IDOLS ay nag-kick off na sa ilang dance-based creator groups at kasalukuyang may 25 active creators. Balak nilang palaguin ito hanggang 60 very soon.
Mapapanood ang mga ganap sa TikTok via @ptimeicons. Humahakot na rito ng seryosong hype ang kanilang talents—hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na rin sa United States. Patunay ito na ang Pinoy talent ay may matinding cross-border appeal.
“PT IDOLS is more than just a talent initiative; it’s a deliberate step in making entertainment a core pillar of PlayTime Entertainment,” ayon kay Krizia Cortez, PlayTime Entertainment Director of Public Relations.
Bilang bahagi ng PlayTime family, ang PT IDOLS ang nagsisilbing tulay ng talent, fans, at brands. Ginawa nilang mas madali ang recruitment gamit ang kanilang dedicated TikTok platform: PlayTime IDOL (Hiring). Dito, may malinaw at structured na path mula sa pagiging “discovered” hanggang sa maging isang professional icon.
Sa pag-expand mula gaming hanggang sa puso ng content at live entertainment, todo-invest ang PlayTime sa mga creator of tomorrow. Simple lang ang mission nila: itaas ang standard ng talent development at siguraduhing ang kwentong Pinoy ay kayang lumaban—at manalo—sa global stage.
Sa pamamagitan ng PT IDOLS, ang PlayTime Entertainment na ang official gateway para sa susunod na era ng Philippine entertainment.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com