MATABIL
ni John Fontanilla
MUKHANG magiging masaya ang mga supporter ng tambalang Rabin Angeles at Angela Muji dahil very affordable ang presyo ng pelikulang A Werewolf Boy na pinagbibidahan ng mga ito with Lorna Tolentino.
Showing na simula noong Moyerkoles, Jan. 14 ang A Werewolf Boy at P275 lang ang halaga nito sa mga sinehan.
At dahil mura ang panonood nito ay mas marami ang makasasaksi kung gaano kahusay umarte ang RabGel at gaano kaganda ang pelikula.
Bukod kay Lorna ay kasama rin sa movie sina Candy Pangilinan, Yayo Aguila, Jeffrey Hidalgo, Albie Casiño, Karl Medina, Rose Van Ginkel, Simon Ibarra.
Ang Philippine film adaptation ng beloved South Korean fantasy romance movie na A Werewolf Boy ay hatid ng Viva Films at idinirehe ni Crisanto B. Aquino.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com