RATED R
ni Rommel Gonzales
MASAYANG nakipagkulitan ang mga bida ng Cruz vs. Cruz na sina Vina Morales, Gladys Reyes, atNeil Ryan Sese sa UH Almuserye.
Nakisabak sa kanila sina Lyn Ching at Chef JR Royol sa aktingan at chikahan. Dito naibahagi ng mga bida ang masayang samahan ng cast off-cam tulad na lamang ng karaoke sessions. Napa-sample pa nga ng pagbirit sina Vina at Gladys. Ang plot twist? Pati si Neil, napabirit! Share pa ni Neil, voice coach niya si Vina. Bukod sa kantahan at kuwentuhan, naghanda rin ang cast ng putahe kasama si Chef JR ng Sweet and Sour Bola-Bola.
Talaga namang tinututukan ang mga karakter nina Vina at Gladys sa nasabing Afternoon Prime series. Sey ni Vina, nagkaroon siya ng mga pasa sa taping dahil sa mga intense na eksena nila ni Gladys. At sa nalalapit na pagtatapos ng serye, mas lalo raw umiinit ang banggaan nina Felma at Hazel!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com