Monday , December 29 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos

Vilma hinusgahan, may nilinaw sa publiko

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

LITERAL na ginamit ng ilang mga socmed peeps ang ipinahayag ni Gov. Vilma Santos-Recto hinggil sa naging sagot niya sa isyu ng ‘fake news at bashers.’

Bago mag-Pasko ay nagkaroon ng media interview ang mahal nating star for all seasons at naging paksa ang tungkol sa pag-handle ng mga gaya niyang nasa public scrutiny at public service versus usapin sa mga “fake news at bashers.”

Sa isang bahagi ng sagot ni ate Vi, nasambit nito na mahirap ang sitwasyon ng mga gaya niyang public servant dahil madalas nga silang gawing pulutan at easy target ng mga vlogger na mas hinahabol ang ‘engagement’ kaysa paglabas ng totoong balita o isyu.

Sa pagsagot ay nasambit niya ang mga katagang, “kaming mga nasa itaas at silang mga nasa ibaba” in reference to positions bilang public servants o public properties, kompara sa “vloggers at socmed influencers” na scoop lagi ang gusto at pitik ng pitik o bira nang bira na lang sa mga gaya nila.

Nasa ganoong ‘context o konteksto’ ang paliwanag ni ate Vi na malinaw pang sinambit na ganoon na lang niya “sina-psyche” (read: kinukondisyon at ipinagpapalagay) ang sarili para i-address ang usapin.

Agad nga itong ginamit ng mga taong alam nating nag-aabang ng maipipintas at maibabato sa kanya at kanyang pamilya.

As expected, pinaglaruan, ginawang ‘negatibo’ at tunay namang “taken out of context” ang mga linyahang winika ni ate Vi. Pinaratangan siyang mapang-api at mapang-malaki kontra mamamayan. Sobrang ridiculous, sadyang nakaka-sad na kahit ang mga may titulo sa buhay o propesyonal ay pumatol without even considering the figure of speech Ate Vi is giving as example.

Sa gaya naming nakakasama, nakakakilala, at nakakausap ni Ate Vi, hindi namin kailanman paniniwalaan ang pagpuna kay ate Vi bilang mapanghamak, mapang-api, at mapang-maliit na tao. Sa tinagal-tagal na namin siyang inidolo, naging kaibigan at kumare, never naming nakita sa kahit anong okasyon at pagkakataon ang ganoong karakter ng isang Vilma Santos. Higit sa kanyang public service career na “lifeline” ang mga mamamayan, or so-called “voters/constituents.”

Hindi ba’t napaka-stupid namang sa ganoong way mo pagsasalitaan ang mga taong nagluklok sa iyo at nagbigay ng power to serve them? Anong klaseng mindset naman iyan? Utak talangka, utak na hindi nag-iisip at gawain ng mga may matinding galit sa gobyerno na naghahanap lang ng taong makakastigo.

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang PIO (Prov’l. Information Office) ng Batangas hinggil sa pangyayari. Intindihin man o hindi ng mga taong “sumakay” sa isyu is out of question already dahil kung saan-saan at ano-ano na ang opinyon, panlalait, pintas at isyung may kinalaman kay Executive Secretary Ralph Recto at maging sa tinatawag nilang “political dynasty” dinala ang isyu. 

Na para bang sina Ate Vi and family lang talaga ang nagpapatakbo ng bansang ito? 

Or sa sarili rin naming mga salita, dahil ba sa sobrang sikat at maganda ang record ng isang Vilma Santos kaya ‘yung mga may galit kay Sec. Ralph ay kinuyog siya? ‘Yung mga noon pa ma’y negatibo na ang awra sa isang Vilma Santos bilang isang napakahusay na acting legend at ngayo’y only living movie queen ay sumawsaw na rin at paulit-ulit na kinukuda ang mga very 70’s nilang disgusto sa aktres para iangat ang ilan na higit namang may bahid ang reputasyon sa lipunan? 

Sa mga pilit tinatakasan at kinakalimutan ang “history” ng pagiging aktres at public servant ni Vilma, sorry na lang po sa inyo dahil maliwanag pa sa sikat ng araw ang mahusay na credentials ng star for all seasons, sa showbiz man o sa politics. Kung hindi ninyo kayang tanggapin ang mga iyan, very soon ay kasaysayan na rin ang mag-vindicate sa kanya.

Wala namang pangit o masama sa mga gustong “mag-ingay” tungkol sa mga isyu ng gobyerno o mga taong nasa posisyon gaya ni Ate Vi.

Pero sana naman ay mas maging maingat at mapanuri ang bawat isa sa pagpapakalat ng impormasyon lalo’t “spliced at edited” ang pinagmulan o source nito. 

At sana rin, doon sa taong may isyu na sa isang Vilma Santos at kapamilya niya, maging ‘matalino” nawa kayo sa paninira, pamimintas, at pag-aakusa ninyo at dapat, laging dapat na naka-base ang mga ito sa mga tama at totoong datos at facts.

Ang nagiging ending kasi, kayo na rin ang nagsisilbing mga fake news peddlers at enablers at sources na nagme-maintain ng kawalan ng balanse sa talino, puso, at tapat na paglilingkod ng isang lingkod-bayan na may tunay na pagmamahal sa pamilya at sa mga taong pinaglilingkuran nila.

Kung totoo mang mapang-api o nanghahamak ng kapwa si ate Vi, matagal na rin namin siyang kinalimutan o posibleng inaway na rin.

But we are still here, supporting her principles and her good ideals, deeds and principles.  And we believe, for all seasons na rin iyan and for the same right reasons na minamahal at nirerespeto namin siya simula nang subaybayan at hangaan siya more than 50 years ago na.

Sa bandang huli, nais din naming pasalamatan ang mga taong hindi iniwan si ate Vi sa usapin. ‘Yung mga Vilmanian niya ay solid pa ring nakasuporta. Isang bagay na nakamamangha pa ring makita sa showbiz kaya sobra sigurong kina-iinggitan ng mga nag-aambisyon. 

May mga ilang common friends din from showbiz na hindi na nagsalita pero ramdam namin ang kanilang pagtatanggol sa aktres-politician.

And yes, napakarami pa ring hindi nagpatinag dahil ayon sa kanila, higit kaninuman, ang Manlilikha ang kakampi ng mga taong sa dakong huli ay huhusgahan batay sa kung paano nilang matuwid na ginampanan ang pagtaas sa mga nasa ibaba at pagbaba sa mga nagmamagaling at nagmamataas.

Amen!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Water Plus Productions Marynette Gamboa Bodies Next Gen

Water Plus Productions ng produ na si Marynette Gamboa, maraming projects para sa Bodies: Next Gen

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer …

MagicVoyz A Magical Christmas Show

Pamaskong Handog Concert ng Magicvoyz  matagumpay

MATABILni John Fontanilla SUCCESSFUL ang Pamaskong handog concert  ng grupong MagicVoyz , ang A Magical Christmas Show na ginanap noong …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …