MATABIL
ni John Fontanilla
MAS matapang at mas palaban na sa pagpapa-sexy sa pelikula ang Kapuso actor na si Yasser Marta.
At sa latest movie nga nitong Desperada ay all out daw sa pagpapa-sexy si Yasser.
“Sobra! Ipinakita ko na talaga, gusto ko maging fearless actor.
“Matured at daring na Yasser na ang mapapanood.”
May frontal ka ba sa movie?
“Ayokong i-spoil eh, siguro panoorin niyo na lang ‘yung movie.”
Paano ka na convince ni direk Louie Ignacio na magpa-sexy sa movie?
“Actually ang unang nag-message sa akin si sir Dennis (Evangelista). Matagal ko nang gusto gumawa ng daring film, hindi lang nagkakataon.
“Sa ‘Sine Silip’ this year supposedly may gagawin ako, pero ‘di rin natuloy and ‘yung management din medyo nagho-hold back din sila. Pero napag-uusapan naman po lahat.
“Pero ngayon nagagawa ko na po ‘yung gusto ko talaga, itotodo ko na.
“Pumayag ang management ko, ang Sparkle. It’s a one big step sa career ko.”
Bilib na bilib si Yasser sa kanilang direktor.
“Pero rito sa movie, ang galing po ni direk Louie, artist po talaga. Kung paano niya i-shot ‘yung mga frame, ang ganda sobra, it’s a nice movie.
“Kaya salute to direk Louie, sobrang happy po ako, ang ganda ng movie.”
Makakasama ni Yasser sa pelikula sina Robb Guinto, Mhack Morales, Julianne Richards , Jorge Guda, Sue Prado and Mercedes Cabral. Produce ito ng LDG Productions ni Lito de Guzman.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com