Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Im Perfect

Video ng mga bida ng I’m Perfect viral sa social media 

MATABIL
ni John Fontanilla

PATOK na patok sa social media ang mga nakatutuwa at nakai-inspire na video ng mga bida sa pelikulang I’m Perfect na entry ng Nathan Studios sa Metro Manila Film Festival 2025 na ang mga bibida ay ang mga batang may  Down Syndrome.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magsasama-sama at bibida  sa isang pelikula ang mga kabataang may Down Syndrome sa MMFF, kaya naman napaka-espesyal ng taong ito ng festival.

Pinusuan ng libo-libong netizens ang very inspiring video ng mga ito na ang iba ay nag-iwan pa ng napakagagandang komento at ilan dito ang sumusunod.

 “It is also a marking of significant step for inclusive narratives within the Philippine cinema.

“When the world says they can’t… they’ll show us they can emphasizing capability and breaking boundaries.”

Ang I’m Perfect ay pagbibidahan nina Jiro (Earl Jonathan Amanda) at Jessica (Anne Krystel Daphne Go) na magkakakilala hanggang sa magkagustuhan.

Makakasama rin nina Earl at Anne sa pelikula sina Sylvia Sanchez, Janice De Belen at Lorna Tolentino with  Tonton Gutierrez, Joey Marquez, at Zaijian Jaranilla sa direksiyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …