PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
MARAMI ang naloloka sa naging rebelasyon ng isang VMX star na si Chelsy Ylore na nagpa-blind item hinggil sa isang senador na may letter R sa name at F sa apelyido na umano’y nagbigay sa kanya ng P250k bilang tip.
Siyempre ‘yung usapang ‘tip’ ay may kinalaman sa umano’y “sexual encounter” na naganap.
Then, heto nga’t umalma si Ramon Tulfo, kapatid ni Senador Raffy Tulfo na ipinagtatanggol ang kapatid na senador.
Sa isang mahabang post nito, sinabi ng kuyang Tulfo na hindi siya makapaniwala sa naturang balita dahil “takusa” (takot sa asawa) raw ang senador na kapatid.
Gayunman, if ever man daw na totoo, mabuti na raw ‘yun kaysa isang lalaki na matsismis na mahilig daw sa mga lalaking basketbolista. Nakakaloka rin ang pa-blind item.
Ipinagtanggol din nito ang ‘yaman’ ng kapatid at asawa na very honest pa nga raw sa pagdeklara ng combined SALN ng mga ito na umaabot sa bilyones.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com