PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAG-CELEBRATE ng ika-49th birthday si Derek Ramsay last December 7, 2025.
Sa napanood naming video na nagpapasalamat ito sa mga kaibigang nakaalala, ramdam ang kalungkutan nito at tila pagka-miss sa mga mahal niya.
Sa gitna nga ng gusot nila ni Ellen Adarna na balitang umalis na nang tuluyan sa kanilang bahay at balitang balak magsampa ng ‘annulment case’, mukhang grabe pa rin ang epekto nito sa aktor.
Hindi rin maiiwasan na may mga basher na tinawag siyang “pa-victim na sad boi,” habang may ilan namang inaakusahan siya bilang dahilan ng nangyari sa kanila ni Ellen.
Well, sadyang may mga ganyang pangyayari sa buhay ng isang tao. Nagkataon lang talaga na isang kilalang personalidad ang isang Derek Ramsay. But we believe na ang lahat ng lumalabas sa balita ay may sarili ring kuwento.
Happy birthday sa iyo Papa D.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com