PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
BAKIT nga kaya madalas na malungkot ang tema ng mga kantang Pamasko?
“Oo nga po ano? Pero iba kasi kapag ‘yung totoong feeling sa ganitong time ‘yung na-e-express mo,” sagot sa amin ni Isha Ponti.
Sa mahigit na 20 kantang naisulat ng young singer, ang kanyang latest composition na Wala Ka Sa Pasko ang isa sa most emotional song niya.
Kuwento ng the “next one” singer, “mabilisan po ‘yung pagkakagawa namin. Habang nasa rehearsal kami for our concert this Dec. 13. Parang in 45 minutes lang po, natapos na ‘yung song. Kaya medyo may kodigo pa ako dahil first time ko ring kinanta today (sa mediacon).”
Maganda ang mood at texture ng Wala Ka Sa Pasko ni Isha. Mayroon itong sangkap na gaya ng mga famous OPM Christmas songs gaya ng Pasko na Sinta Ko, Sana Ngayong Pasko at iba pa.
“Sentimental po talaga ang mga Pinoy. Although sinasabi nilang at my age ay hindi ko pa nararanasan ang mga sinasabi sa lyrics ng song dahil it talks about longing for someone on Christmas, still very relatable po siya.
“Parang naririnig at nakikita ko ang kwento ng song sa mga kakilala ko, sa mga friend,” dagdag pa ni Isha.
Sa Dec. 13, mahuhusgahan na sila ni Andrea Gutierrez sa The Next Ones concert sa Music Museum. Si Andrea ang Bossa Nova singer na gaya ni Isha ay tinatawag ding the next one ng music industry.
Good luck and congratulations!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com