PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
AMINADO si Cedric Juan na dobleng pressure ang muling makatrabaho si Piolo Pascual.
Nag-script reading pa nga lang sila ay nawawala na siya at nakakalimutan na ang mga linya.
“Ibang klase talaga ang dala-dala niyang intimidation. Mapapanganga ka na lang. But his charm and great talent has their way of making you feel comfortable also. Iba ang magic,” dagdag ni Cedric na nagwagi na ring MMFF Best Actor sa Gomburza.
Ang Manila’s Finest naman ang ikalawang MMFF movie ni Enrique na nagpabalik pelikula sa aktor.
“How can you say no to papa P? Nandiyan pa si Mr. M (Johnny Manahan) na adviser namin. Plus TV5, MQuest, those people na mahirap tanggihan. We have a very beautiful story. Magaling na direktor at mga writer. No one will ever go wrong sa project na ito,” papuri pa ni Quen.
Marami naman ang nagbiro na kung ganoon nga kapo-pogi ang mga pulis na huhuli sa mga kriminal o nagkakasala, mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagsukong gagawin.
Hirit pa nila, “naku, kahit wala kaming kasalanan, magpapahuli kami sa mga ganyang kay guguwapong mga pulis!”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com