PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAPAKABONGGS ng mediacon ng Manila’s Finest last weekend. Na-capture talaga nila ang 60’s mood and music sa New Frontier Theater, with matching live band ala parada pa.
Present ang mga bidang sina Piolo Pascual, Enrique Gil, Cedrick Juan, Ariel Rivera, Joey Marquez, at mga baguhang sina Dylan Menor, Paulo Angeles, Ashtine Olviga with Jasmine Curtis Smith etc..
Very interesting din ang tema ng movie na entry sa MMFF. Nang tanungin nga natin sina direk Raymond Red at writer nitong si Sherad Sanchez kung paano silang na-challenge na gawin sa movie ang 60’s-70’s era, sinabi nilang matinding research at interview sa mga taong nasaksihan ang naturang panahon.
“Aside from that, ‘yung production values gaya sa costume, ‘yung look ng 70’s, ‘yung language, the mood, lahat, ultimo liwanag ng ilaw at lakas ng bentilador dapat sakto,” sey ng award-winning director.
Mga pulis ang ginagampanan nina Piolo, Quen, Cedrick, Ariel, at Joey na sinikap maging mahusay at mabuti sa gitna ng mga political and economic unrest in those days.
“Action-family drama, tragedies sa system na corrupt, Pinoy na Pinoy. Mapapalingon ka talaga sa nagdaang panahon kung bakit until now, 2025 na, halos ganoon pa rin ang sistema,” dagdag pa ng writer na si Sherad.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com