Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan (CPIMP) sa Bulacan, inilabas ni Gob. Daniel Fernando ang Executive Order No. 22, series of 2025, na nagbibigay ng direktiba sa pagbuo ng Provincial Infrastructure Coordinating Council (PICC).

Binigyang-diin ng gobernador ang kritikal na pakikiisa ng lahat ng lokal na pamahalaan, mula barangay hanggang mga ahensya ng pamahalaang nasyunal, sa pagkamit ng isang nagkakaisa at malinaw na infrastructure planning process.

“Bulacan cannot afford questionable infrastructure projects. Sa pamamagitan nito, sisiguraduhin natin na bawat proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan ay grounded on real needs, validated data, at fully transparent because the Bulakenyos deserve visible, functional, and accountable projects,” ani Fernando.

Ayon sa EO, bawat barangay sa Bulacan ay kailangang maghanda o i-update ang kanilang Barangay Infrastructure Master Plan, na sinasakop ang drainage, flood control, mga kalsada, at isumite ito sa kanilang lungsod o bayan.

Bilang tugon, ang mga City o Municipality Planning and Development Office at Engineering Office ang magre-review, magsasama-sama, at magbubuo ng mga isinumite ng mga barangay upang maging City/Municipality Infrastructure Master Plan.

Sa huli, ang Provincial Planning and Development Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, na magsisilbing kalihiman ng PICC, ang magsasama-sama ng lahat ng isinumiteng plano upang makabuo ng CPIMP ng Lalawigan ng Bulacan.

Sa oras na maaprubahan ito, ang CPIMP ang magsisilbing opisyal na reperensiyang dokumento sa pagpa-plano, pagba-badyet, at pagpapatupad ng lahat ng proyektong pang-imprastraktura sa lalawigan, at isasama sa Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP).

Nagbibigay direktiba rin ang EO 22 sa lahat ng ahensya ng pamahalaang nasyunal at kanilang mga contractor na magpapatupad o maghahain ng mga proyekto sa bisinidad ng lalawigan na makipag-ugnayan sa PICC bago ang implementasyon, at magbigay sipi sa konseho ng project profiles, detalyadong plano, at timeline upang masiguro ang pagkakatugma sa CPIMP at upang maiwasan ang pagkadoble o pagkasira ng kalikasan.

Ang PICC ay binubuo ng gobernador bilang chairperson; Department of the Interior and Local Government Bulacan provincial director bilang vice chairperson; at ang panlalawigang tagapangasiwa, panlalawigang ingat-yaman; panlalawigang legal officer, panlalawigang agriculture officer, Bulacan Environment and Natural Resources Officer, mga district engineer ng Department of Public Works and Highways sa Lalawigan ng Bulacan, pinuno ng Provincial Engineering Office, mga pinuno ng lokal na pamahalaan at kanilang kani-kaniyang municipal o city engineers, at dalawang kinatawan mula sa accredited na Civil Society Organization bilang mga miyembro. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …

Dead body, feet

Sa Talisay, Negros Occidental
Bangkay natagpuan sa pribadong kotse

WALANG BUHAY nang matagpuan ang isang lalaki sa loob ng isang kotse sa Brgy. Efigenio …