MGA LARO NGAYON
(PHILSPORTS ARENA)
6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY
8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN
MAKAKAHARAP ng top-ranked Brazil ang reigning Asian champion na Japan sa isang high-stakes quarterfinal matchup sa FIFA Futsal Women’s World Cup ngayong Martes sa PhilSports Arena.
Target ng paboritong Brazil na ipagpatuloy ang kanilang dominasyon matapos nilang walisin ang Group D para makuha ang No. 1 seeding sa 8:30 p.m. na laban at tiyaking makapasok sa semifinals sa kapinsalaan ng Group C runner-up na Japan.
Ranked No. 5 sa mundo, determinadong pangunahan ng Nadeshiko Five ang laban para sa mga Asyano sa 16-nation meet na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Football Federation, matapos ma-eliminate sa group stage ang Filipina5, Thailand, at Iran.
Samantala, tampok naman sa kabilang quarterfinal ang labanang Euro vs. Euro sa pagitan ng Portugal at Italy.
Babaon ang Portuguese sa 6 p.m. encounter dala ang malinis na three-match run nila sa Group C, habang ang Italians ay kinailangang bumalik mula sa pagkakaiwan upang makamit ang 3-1 panalo laban sa Iran sa huling elimination match para makapasok bilang Group D No. 2.
Ang mga mananalo sa mga laban ngayong Martes ay uusad sa semifinals na nakatakda sa Biyernes.
Sasama sila sa mga nagwagi sa Monday night quarterfinals kung saan nagharap ang B1 Spain kontra A2 Morocco at A1 Argentina kontra B2 Colombia. (PSC INTEGRATED COMMUNICATIONS AND EVENTS (ICE) OFFICE/ HNT)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com