PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA pinag-uusapang P500 na Noche Buena package, marami ang humanga sa tapang ni Benjamin Alves nang punahin nito ang proponent na si DTI Sec. Cristina Roque.
Isa lang si Benjamin sa napakaraming celebrities na pumuna sa tila nang-iinsultong rekomendasyon ng DTI sec. ngunit nang dahil sa husay ng aktor na magpahayag, marami nga ang pumuri rito.
Sa sunod-sunod nitong post, inireklamo ng aktor ang hirap ng isang taong nagtatrabaho na gumising ng maaga, mag-commute, at magtiis sa traffic, magtipid sa budget, only to be given the problem kung paanong pagkakasyahin ang pera.
Then naglitanya rin itong pinagtitipid ang sambayanan sa P500 noche buena pero garapalan naman ang korapsyon etc.. Hanggang sa umabot na ito sa pag-suggest na walang taxes hangga’t hindi nagagawa ng gobyerno ang pagkakaroon ng very public, very transparent method ng paggamit ng kaban ng bayan.
At marami nga ang umayon na imbes na ipilit na pagkasyahin ang P500 sa noche buena ay gawan ng paraan na pababain ang presyo ng mga bilihin at i-subsidize ang mga farmer.
Pero ang ikinatuwa ng marami ay nang sabihin nitong, “maybe no taxes for fucking 300 years.”
Nakakaloka, pero sobrang real talk itong guwapo, matalino, at may puso sa madla na si Benjamin.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com