Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mommy Rose Jhojie Daga-as
BUONG pagmamalaking ipinakita ni Rosalinda "Mommy Rose" Ogsimer 78-year old ang kaniyang apat na silver medals sa running events women 75 over category at si Jhojie Daga-as na nagwagi ng 2 gold at 1 silver sa Track and Field men 45-49 category sa kanilang paglahok sa 10th Hong Kong Masters Athletics Championships, panauhin sa TOPS 'Usapang Sports' nitong Huwebes na idinaos sa PSC conference room sa Malate, Maynila. (HENRY TALAN VARGAS)

Master Senior sprinter Mommy Rose, sasabak uli sa Taiwan, Daga-As umangat ang karera

TULOY-TULOY na training at pagpapalakas ng katawan ang sikreto nina double gold at silver medalist 48-year old Jhojie Daga-as at 4x silver medalist 78-year old Rosalinda Ogsimer nang ibunyag nila sa TOPS Usapang Sports at kung bakit namayagpag ang kanilang lakas sa 10th Hong Kong Masters Athletics Championships kamakailan.    

“Gusto ko kasing ma-experience ang pagtakbo sa ibang bansa, worth it naman ang punta ko roon. Malakas iyong nakatapat kong 78-year old din, pero matanda ako ng 4 na buwan, may dugo siyang Swiss at nakabase na sa HK na 16-anyos pa lamang ay talagang atleta na kaya batak ang katawan sa ensayo. Pero natutuwa ako at nakasabay ang lakas ko sa kanya. Sa 5000m run naman ay napahinto ako ng dalawang beses sa inuman ng tubig dahil sobrang tuyung-tuyo ang lalamunan ko sa lamig ng klima roon,” kuwento ni 78-year old Ogsimer sa kanyang pagbisita sa TOPS Usapang Sports na idinaos sa PSC conference room sa Malate, Maynila kahapon. 

Ang apat na silver medal finish ni Mommy Rose sa women -75 over category ay nagtala ng 3:54.27 sa 800m, gold si Susan Ko (3:54.27), habang sa 5000m (35:30.25), si Ko (28:39.58), sa 1500m (9:45.53) at si Ko (7:57.98), at sa 400m (2:11.29) at si Ko (1:34.39).  

Nang matanong naman si Daga-as na kampeon sa men 45-49 category  hinggil sa karanasan niyang makipagkompetensiya sa ibayong-dagat sa unang pagkakataon. “Malakas po taga-Hong Kong, parang pambata ang galaw nila roon.  Medyo kinabahan ako, kasi ibang lahi at matatangkad sila at mahahaba ang paa, mga sanay sa lamig ng panahon, mabuti na lang at halos ilang araw kami dumating doon bago ang event ay nage-ensayo na kami ng maaga ni Mommy  Rose para makagamay sa klima. Pilipinas ang dala kong pangalan kaya talagang ibinuhos ko na ang aking buong lakas lalo na sa steeplechase, mas nakalalamang ako sa lundagan sa kanila, kaya naiwan ko na mga kalaban,” aniya hinggil sa event para sa impresibong gold medal sa 5000m sa oras na (18:06.28) na may 2 segundong nauuna kay So Hoi Nam ng HK at 3rd si Zagury Alan (18:30.87). 

Silver medalist siya sa 1500m (4:40.37) at gold si Jiao Cheng Gao (4:34.94), bronze si Chan Ka Wai (4:46.80).  Ginto siya sa 3000m steeplechase (11:35.22) malayo ang agwat na 37 segundo sa kasunod na katunggali.   

Bilang full-time sa kanyang trabaho si Daga-as, aniya, “All-around po work ko, messenger etc kaya lakad nang lakad, pero kung pokus talaga ako sa training makukuha ko lahat ng golds po, kahit paano nakasabay tayo. Nagpapasalamat po ako kay Mommy Rose, dahil sinuportahan niya ako financially, maging sa mga kaibigan ko lalo na sa boss ko at pinayagan din ako na makasabak sa HK. Nang magsimula ako sa running ay edad 35 na rin at dahil nagustuhan ko ang pagtakbo ay tinuluy-tuloy ko na at awa ng Diyos nananalo na ako sa mga fun run at marathon event dito sa atin.”  

Edad 65 na rin nang magsimula pa lamang sa pa-jogging-jogging ng 5km si “Mommy Rose” nang unang yayain ng panganay na anak, “Komo retired na ako at nasa bahay na lang, niyaya ako, pero sumakit ang buong katawan ko, sabi ko ayoko ng tumakbo!” Pero kinulit nila ako hanggang sa tuwing weekend ay tumatakbo na kami kaya nagustuhan ko na rin. Sa awa ng Diyos, wala akong maintenance na gamot at habang kaya talagang tuloy ang aking takbo.”    

Dahil unang natikman ang mga medalya at tagumpay noong 2022 sa Masters Athletics ay namayagpag si Mommy Rose sa sprint bagamat unang naging bihasa sa long-distance running o ultramarathon, maging si Daga-as na umangat din ang talento at lakas sa track and field.    

Sa determinasyon, lakas at tagumpay na ipinakita ni Mommy Rose sa larangan ng sprint hanggang sa ibang bansa ay sisikapin niyang makakuha pa ng karangalan kaya naman isa rin ang panawagan niya at hiling sa Philippine Sports Commission katuwang si Daga-as na, “Sana po ay masuportahan nila kami, particularly ni Atty. Al Agra ng Obstacle Sports maging ni PSC Chairman Patrick Gregorio, kaming mga Masters na habang kaya naming magdala ng medalya para sa bansa ay matugunan sana nila ang pinansiyal naming pangangailangan at hindi namin kayo bibiguin,” may ngiting pagtatapos na wika ni Master Senior Sprinter ‘Mommy Rose’ na nakatakdang sumabak sa Taiwan sa darating na Disyembre. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …