MA at PA
ni Rommel Placente
KAHIT pala pumasok noon sa PBB House si Joshua Garcia ay hindi pala niya naisip na pasukin ang showbiz.
Sa panayam kasi sa kanya ni Maricel Soriano, tinanong siya nito kung pinangarap niya bang maging isang artista talaga? Ang sagot niya ay hindi.
Sabi ni Joshua, “After niyong PBB ko, hindi ko pa alam kung mag-a-akting ba ako.
“Nai-enjoy ko na ‘yung ‘ASAP.’ Parang okey na ako roon.
“Pero hindi enough.
Pagpapatuloy niya, “Taga-Batangas kasi ako. And then lumipat ako ng Maynila kasi nandito ‘yung work ko.
“Eh, ang hirap ang dami kong binabayaran. Of course ‘yung tinitirhan ko, ‘yung pagkain ko. And then ‘yung service. Of course ‘di enough.
“And then nakukuha ako sa mga project noon, pero natatanggal din.
ako.
“Parang from lead role, gagawin nila akong third wheel. Hanggang sa eventually,matatanggal na ko. So kulang.
“Sabi ko, kulang ako sa experience.
“Ang ginawa ko, nag-workshop ako.
“Pagkatapos ng workshop ko, ang pinakamalaking role na natanggap ko, ‘yung ‘Barcelona’ (pelikulang pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla).
“And then nabigyan na ako ng lead roles.
“Hanggang unti-unti, minamahal ko na ‘yung craft ko, minahal ko na ‘yung akting.”
Dahil nga rito, ipinagpatuloy na ni Joshua ang pag-aartista. At isa na nga siya sa pinakasikat na aktor ngayon.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com