MATABIL
ni John Fontanilla
PINALIGAYA kamakailan ni Alden Richard ang ating mga kababayang OFW sa Hongkong.
Bilang ambassador ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay kinamusta at pinuntahan ng personal ng Asia’s Mulltimedia star ang mga kababayan nating OFW at tinalakay ang kahalagahan ng mental health awareness lalo na’t nasa ibang bansa sila at malayo sa kani-kanilang pamilya.
Ayon kay Alden sa interview nito sa 24 Oras, “Mahirap siya kasi walang ibang kalaban ‘yung individuals kundi ang kanilang sarili and based on experience I’ve been there so I know how it feels.”
Dagdag pa ni Alden, “Mahirap po siya kasi may mga iba pong dumadaan sa dark moments ng buhay nila at hindi nila alam na nakaka-experience na pala sila ng mental health issues.
“Mahirap kasi na mag-isa. Mahirap maramdamang mag-isa ka at mahirap na ipinaparamdam sa ‘yo ng ibang tao na mag-isa ka lang. So, nandito ang OWWA.”
At nandiyan siya at ang OWWA para maramdaman ng mga kababayang OFW na may karamay sila at hindi nag-iisa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com