MULING pinagtibay ng mga ahente ng Micesa 8 Gaming Inc., ang pangakong itaguyod ang integridad, transparency, at accountability sa mga operasyon nito bilang awtorisadong STL operator ng Quezon City, sa ginanap na pulong sa Camp Karingal, Quezon City, na dinaluhan ng mga opisyal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), at mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD).
Ang Micesa 8 Gaming Inc., ay isang korporasyong pag-aari ng karamihan ng mga Filipino na pinamumunuan ni President Carlos De Guzman Montemayor at Chief Operating Officer Vernice Guenivir Mariano, at Corporate Treasurer at Director Irene Bigornia Montemayor na siya ang namamahala para sa mayoryang interes para sa kompanya. Sama-sama rin silang naging instrumento sa pagtatatag ng pundasyon ng Micesa 8 bilang isang sumusunod, nakatuon sa komunidad, at lokal na pinamamahalaan na operator ng STL alinsunod sa mandato ng PCSO.
Sa pulong, inianunsiyo ng mga opisyal ng kompanya ang pagbabago sa pamumuno upang lalong patatagin ang pamamahala at tiyakin ang episyenteng koordinasyon kabilang ang ahensya ng regulasyon at pagpapatupad.
Epektibo noong 3 Nobyembre 2025, itinalaga ng Board of Directors si Ms. Irene Bigornia Montemayor, bilang Acting Corporate Secretary (Interim), kapalit ni Atty. Krystyna Nicole de Lara Feliciano. Ang pagtatalaga ay suportado naman ng board resolution na pirmado nina Pres. Montemayor at COO Mariano, at Corporate Treasurer at Director Bigornia Montemayor. Ang aprobadong resolusyon ng Board of Directors noong 3 Nobyembre ay ipinadala naman sa PCSO upang kilalanin.
Kasunod ng pagbabago, inilinaw ng kompanya na habang si Atty. Feliciano ang nananatiling shareholder, hindi na siya humahawak ng kahit anong posisyon sa korporasyon at hindi awtorisado na kumatawan o makipagtransaksiyon sa ngalan ng Micesa 8 Gaming Inc. sa anumang kapasidad.
“Micesa 8 is committed to maintaining the highest standards of accountability and public trust. This leadership enhancement will allow us to serve the people of Quezon City more effectively and in full alignment with PCSO’s mission,”pahayag ng pangulong si Carlos De Guzman Montemayor.
Mula nang opisyal na magsimula ng mga operasyon noong Oktubre 2025 sa ilalim ng awtorisasyon ng PCSO, ang Micesa 8 Gaming Inc. ay nakipagtulungan sa mga local authorities, pulisya, at mga stakeholder ng komunidad upang matiyak ang ayon sa batas at malinaw na mga aktibidad ng STL sa buong Quezon City.
“Our partnership with PCSO and QCPD ensures that our operations remain fair, transparent, and supportive of charitable causes. We are here to set the standard for responsible and community-driven gaming,” dagdag naman ni COO Vernice Guenivir Mariano. (ALMAR DANGUILAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com