MATABIL
ni John Fontanilla
MAY bagong kanta si Ai Ai Delas Alas para sa mga Millennial at Gen-Z listeners, ang Haliparot Delulu.
Post ng tinaguriang Comedy Concert Queen sa kanyang Instagram, “Hintayin n’yo ang napakaganda kong music video kasama ng sayaw na bonggang-bongga pang-Millennial pati Gen Z!”
Ang awiting Haliparot Delulu ay tungkol sa mga taong madaling ma-fall sa mga sweet word at gestures.
Available na ang Haliparot Delulu sa Spotify at iba pang streaming app. kaya download na!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com