Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Thirdy Sarmiento Joshua Garcia Kathryn Bernardo

Frontliner ng One Verse gustong makatrabaho sina Joshua at Kathryn 

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING ang 18 years old at tubong Marikina City na si Thirdy Sarmiento na isa sa frontliner ng Ppop Male Group na One Verse na pang-heartthrob ang dating tulad nina Gabby Concepcion at Aga Muhlach noong nagsisimula pa lang ang mga ito.

Ayon kay Thirdy, pangarap niyang mag-artista at makita ang sarili na umaarte sa teleserye o pelikula, katulad ng kanyang mga paboritong artista na sina Joshua Garcia at Kathryn Bernardo.

“Sa lalaki po ang paborito ko si Joshua Garcia, na-inspired po talaga ako sa kanya noong pinanood ko ‘yung mga movie niya especially po ‘yung roles niya, napakahusay niyang umarte, natural na natural.

“Sa babae naman po idol ko si Kathryn since bata pa po ako palagi ko po napapanood si Kathryn sa mga TV show niya with my mom. And since idol po siya ng mom ko, since then, I’ve always watched her movies po, at napakahusay umarte ni Kathryn. 

 “Hopefully if ever na mabibigyan ako ng pagkakataon na mag-artista, sana makasama ko sila at makatrabaho kahit sa pelikula o teleserye,” ani Thirdy.

At kung mabibigyan ito ng proyekto ay mas gusto niya ang drama tulad ng mga ginagawa ni Joshua.

“Mas gusto ko po makilala sa drama katulad ng idol kong si Joshua pero gusto ko rin naman subukan ang comedy at action.”

Nagpapasalamat si Thirdy kay Lord sa mga  blessing na dumarating sa kanya at sa mga taong laging nariyan para sumuporta sa kanya.

Sa ngayon ay busy si Thirdy sa mga show kasama ang kanyang grupong One Verse at sa pagiging print and commercial model.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …