MATABIL
ni John Fontanilla
MARIING pinabulaanan ni Judy Ann Santos-Agoncillo na nagtitinda siya ng cookware.
Kaya binalaan nito ang publiko na ‘wag maniniwala kaagad sa nga napapanood online na ginagamit siya sa pagbebenta ng
cookware.
Sa latest vlog nito kasama si Jodi Sta. Maria, sinabi ni Juday na A1 generated at walang authorization sa kanya ang video na kumakalat sa social media na nag-eendoso at nagbebenta siya ng mga kaldero.
“It’s a scam. Hindi ako nagbebenta ng kahit na anong cookware. Please do not believe these people,” giit ni Juday.
“Hangga’t hindi n’yo po nakikita sa sarili kong Instagram page o YouTube channel, hindi po ‘yan legit,” paalala ng aktres at sinabing maging vigilant laban sa AI-generated scams.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com