Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ina kritikal sa taga ng lasing

LEGAZPI CITY – Kritikal mag-ina sa lalawigan ng Albay matapos pagtatagain ng kanilang kapitbahay dahil sa bintang na pagnanakaw ng alagang manok.

Kinilala ang mga biktimang si Siony Broma, 49, at anak niyang si Jaime Broma, 14, pawang mga residente ng Purok 3, Brgy. Masarawag, Guinobatan, Albay.

Batay sa ulat ng pulisya, bigla na lamang sinugod ng lasing na suspek na kinilalang si Henry Agustin, 45, ang mag-ina, bitbit ang kanyang bolo.

Tahasan niyang inakusahan ang batang Broma na ninakaw ang kanyang alagang manok.

Dahil dito, lumabas ang nanay na si Siony na bitbit din ang bolo, ngunit inunahan siya ng taga ng suspek.

Matapos pagtatagain ang ginang, sinugod din ng taga ng suspek si Jaime.

Agad namang sinaklolohan ng mga kapitbahay ang mga biktima at agad dinala sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) habang nahuli naman ang suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Guinobatan Municpal Police Station ang suspek. (BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …