Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Laborer grabe sa boga ng sinibak na lead man

KRITIKAL ang kalagayan ng  isang construction worker makaraang barilin ng dating kasamahan sa trabaho kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ayon sa mga doktor ng San Juan de Dios hospital, bala ng kalibre .45 ang tumama sa likurang bahagi ng katawan at kaliwang braso ng biktimang si Darius de Leon, 37, stay-in construction worker sa itinatayong  bodega sa Cuneta Avenue, Pasay City.

Tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Restor Ribalde, 57, ng  704 B-73 Apelo Cruz, Ma-libay.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Joel Landicho ng Station  Investigation and Detective Management Section, Pasay City Police, 6:20 ng gabi nang maganap ang insidente.

Pumasok ang suspek sa loob ng barracks na tinutuluyan ng mga construction worker at agad pinagbabaril si De Leon.

Hinala ng pulisya  may kaugnayan  ang krimen sa pagkakasibak ng suspek sa kanyang trabaho bilang lead man. (J. GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …