Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Innervoices

Gig ng Innervoices sa Aromata matagumpay

MATABIL
ni John Fontanilla

KATULAD ng iba pang gig ng Innervoices sa iba’t ibang bar na tinugtugan ng grupo na lahat tiyak ay nag-eenjoy, napapakanta, at napapasayaw, super hit din sila sa Aromata sa Scout Lascano, Quezon City noong July 30.

Talaga namang nag-enjoy ang maraming taong naroroon na napakanta at napasayaw sa mga awitin ng Innervoices.

Isa kami sa mga press people na naimbitahan ng kanilang leader at keyboardist na si Atty. Rey Bergado ng Innervoices at kami man ay super nag-enjoy. 

Namataan namin ng gabing iyon na nanood din ng gig ng Innervoices ang napakahusay na si Dulce.

Kasama ni Atty. Rey sa Innervoices sina Patrick Marcelino (lead vocalist), Joseph Cruz (keyboard), Joseph Esparrago (drums), Alvin Hebron (bass), at Rene Tecson (lead guitar).

Ilan sa paborito kong kanta ng Innervoices ang Meant To Be na isinulat ni Atty. Rey at ang nakaiindak na Galaw Galaw na hit sa Tiktok at sinasayaw ng marami, Idlip, T. H. A. L. (Tubig, Hangin, Apoy, Lupa), Saksi Ang Mga Tala, Handa Na Kitang Mahalin, at ang Sayaw Sa Ilalim Ng Buwan.

Bukod sa Aromata ay regular ding napapanood ang Innervoices sa 19 East Bar and Restaurant (na pag-aari ni Wowee Posadas) at sa Noctos sa Scout Tuason sa Quezon City, at sa Hard Rock Café sa Glorietta sa Ayala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …