Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sol Aragones

Aragones opisyal nang nanumpa bilang bagong Laguna governor
4 Botika on Wheels agad pinaikot sa apat na bayan

TATLONG araw matapos magsimula ang kanyang termino ay opisyal nang nanumpa si Governor Marisol “Sol” Castillo Aragones- Sampelo bilang punong lalawigan ng Laguna  dakong 3:35 ng hapon sa Cultural Center sa Kapitolyo sa Sta Cruz Laguna, kamakalawa.

Si Aragones ay nanumpa kay Quezon Province governor, Dra. Helen Tan na sinaksihan nina Vice Governor JM Carait, mga nanalong Sanguniang Panlalawigan, mga nanalong kongresita, mayor, vice mayor at mga mamamayan ng Laguna.

Sa kanyang pagdating sinalubong si Gov.  Aragones ng kanyang kasalukuyang Administrator na si dating Candaba Mayor Jerry Pelayo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Governor Aragones ang dahilan ng kanyang pagtakbo noong 2022 bilang gobernadora ay ang kanyang naging  karanasan noon nang magkasakit ang kanyang  ama at doon niya naramdaman na kawawa ang mga mahihirap na kababayan kapag magkasakit ang pamilya.

Natalo man siya noon hindi siya sumuko at muling tumakbo ngayon para sa kapakanan ng kalusugan ng mahihirap na pamilya at hindi siya nabigo kaya sa unang araw ng kanyang panunungkulan bilang gobernadora ng lalawigan ng Laguna agad niyang nilagdaan ang Executive Order No. 1 kontra mataray na kawani ng mga pampublikong hospital.

Sa kanyang ikatlong araw ng panunungkulan, sinimulang ilunsad ni Gobernadora ang Akay Sol Mobile Botika na namamahagi ng libreng maintenance na gamot sa apat na distrito ng lalawigan ng Laguna sa mga may sakit na diabetes,  hypertension, high cholesterol, at iba pa.

Nagsimula ang pamamahagi ng libreng gamot sa Barangay Canlalay, Biñan City; Barangay 6A, San Pablo City; Barangay Bubukal, Sta. Cruz; at Barangay Real, Calamba City na pinondohan ng Akay ni Sol Partylist.

Inihayag ni Aragones sa kanyang inagural speech na matapos niyang makipag-usap sa budget officer ng lungsod nabatid niyang mayroong sapat na pondo para makapagtayo ng botika sa lahat ng bayan at lungsod ng Laguna kaya sa Setyembre ay magtatayo ng sampu, sa Oktubre sampu uli, at sa Nobyembre ay makokompleto na ang lahat ng bayan.

Tiniyak ni  Aragones na kanyang itutuloy ang nasimulang  scholarship program ng nakalipas na administrasyon para sa kabataan kasunod ang pagtitiyak na kanya pa itong daragdagan.

Nanawagan si Gobernadora Aragones sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na huwag maging loyal sa kanya kundi dapat maging loyal sa mga mamamayan ng Laguna.

Hindi aniya papayag ang gobernadora na mapunta sa bulsa ng kahit sino ang pondo ng Laguna kaya dapat, ito ay mapunta sa social services at serbisyo sa mga nangangailangan.

Nakatakdang maglunsad ng isang app ang lalawigan sa mga susunod na panahon upang miaabot ang mga gamot sa lahat ng sulok ng probinsiya lalo ang mga nasa baryo upang dito’y maihatid  ang mga maintenance medicines.

Nagpasalamat si Governor Aragones kay Administrator Pelayo na hindi siya iniwan at nagbigay ng pag-asa sa kanyang pagtakbo sa ikalawang pagkakataon bilang gobernadora ng lalawigan ng Laguna. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …