ISANG petisyon na ‘ad cautelum’ bilang rejoinder sa impeachment complaint ang ipinasa ni Vice President Sara Duterte sa pamamagitan ng law firm na Fortun, Narvasa & Salazar kasabay ng hiling na ibasura ang asunto sa Senate impeachment court kahapon.
Ang 35-pahinang ‘ad cautelam’ ay inihatid ni Arnel Barrientos Jr., mensahero mula sa law firm na Fortun, Narvasa & Salazar sa tanggapan ni Senate Secretary Renato Bantug dakong 5:49 ng hapon, bilang tugon sa kautusan ng impeachment court.
Batay sa legal jargon, ang ad cautelam ay isang Latin phrase na ang ibig sabihin ay “with caution” o “for safety’s sake”.
Ginagamit umano ito ng mga abogado para sa mga dokumentong sinasabi nilang hindi kailangan, ngunit kanilang isinusumite pa rin nang hindi binabalewala ang orihinal na posisyon, na ibig sabihin ay isang maniobra para makaseguro.
Sa naturang tugon, sinabi ni VP Sara na dapat ibasura ang reklamo laban sa kanya dahil ito ay ilegal at lumabag sa one-year bar rule sa ilalim ng 1987 Constitution.
Tinutukoy ng Bise Presidente ang probisyon sa Saligang Batas na nagpapahintulot lamang sa paghahain ng isang impeachment complaint laban sa isang impeachable official kada taon.
Magugunitang noong 10 Hunyo ng taong kasalukuyan matapos mag-convene ang impeachment court ay agad sinabi sa kampo ni Duterte na mayroong 10 araw mula nang matanggap ang kautusan mula sa korte na sagutin ang kaso laban sa kanya.
Magugunitang mahigit 200 boto ng mga miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso ang sumuporta para patalsikin si Duterte.
Base sa reklamong inihain ng Kamara, lumalabas na mayroong korupsiyon at pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at House Speaker Martin Romuladez, ganoon din ang paglustay ng P125 milyong confidential at intelligence funds sa loob lamang ng 11 isang araw.
Nagpadala ng kopya ng sagot ang kampo ni Duterte sa mababang kapulungan ng kongreso.
Sa 30 Hunyo ang deadline para sa Kamara para magpasa ng reply-affidavit sa rejoinder ni Duterte. (NIÑO ACLAN)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com