Saturday , August 2 2025
Pintor nasakote sa pagbebenta ng endangered bird species

Pintor nasakote sa pagbebenta ng endangered bird species

ARESTADO ang isang 35-anyos pintor na nasakote sa isinagawang entrapment operation ng Malabon Police habang nagbebenta ng Lawin, isang nanganganib na uri ng ibon sa kanyang kliyente sa Malabon City.

Sa report mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan, nahuli ng Malabon Police ang suspek na si alyas John Carlo matapos kumagat sa pain ng pulisya matapos tanggapin ang P15,000 marked money bilang bayad sa biniling Brahminy Kite o Lawin, itinuturing na isa sa mga endangered bird species sa bansa.

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nagsagawa ng entrapment operation dakong 1:00 ng madaling araw nitong Biyernes sa Hiwas St., Brgy. Longos matapos ang naganap na transaksiyon sa social media account ng suspek na nagbebenta ng endangered species.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Malabon custodial facility habang hinihintay ang pagdinig sa kasong paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin …

Arrest Shabu

Gunrunner, durugistang tulak nasakote

ARESTADO ang isang lalaking isinasangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensiyadong baril sa …

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Big time pusher sa Pampanga nalambat sa 700 gramong shabu

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaniniwalaang big time …

PM Vargas

Batas sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon tugon sa panawagan ni PBBM — solon

SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V …