Wednesday , August 6 2025

Malinaw sa Konstitusyon
SENADO OBLIGADO MAGSAGAWA NG IMPEACHMENT TRIAL

ni NIÑO ACLAN

OBLIGADO ang Senado na magsagawa ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkoles.

“Walang choice ang Senado. We have to carry out our Constitutional duty… very clear ang Constitution – ‘the trial follows forthwith.’ Walang if and buts na nakasulat doon e,” wika ni Cayetano sa mga mamamahayag kahapon, 4 Hunyo 2025.

Tugon ito ng senador sa kumakalat na usapan na gustong ipabasura ang impeachment trial ng bise presidente sa pamamagitan ng isang Senate resolution.

Sinabi niyang naiintindihan niya ang alalahanin ng mga senador na hindi kombinsidong dapat magkaroon ng trial.

“That’s the elephant in the room — how do you follow the Constitution for the spirit and the letter, pero mayroong mga ayaw na mag-trial?” tanong niya.

Tinalakay din ni Cayetano kung dapat pa bang ituloy ang trial kung karamihan sa mga senador ay walang kompiyansa na makakukuha ng sapat na boto para magbigay ng hatol.

“Sino’ng masusunod? Puwede bang masunod ang minority? Kung majority ng senador ay magsasabi, ‘E wala namang 16 votes e… But it doesn’t make it right,” sabi ng senador.

Hindi rin aniya nakatutulong ang naging tiyempo ng impeachment complaint dahil isinumite ito ng Kongreso sa Senado noong 5 Pebrero – na huling araw ng sesyon bago magsimula ang campaign period para sa 2025 elections.

“It would have been a totally different case if (it was transmitted) at the start or middle of the term. Pero the reality is ‘finile’ mo the day na magsa-start ‘yung campaign, a few days later. And then ngayon, we only have two weeks (session days) left, tapos June 30 (ang end of term ng graduating senators),” paliwanag niya.

Gayonman, giit ni Cayetano hindi dapat pagbotohan ng mga senador kung susundin ang Konstitusyon.

“Hindi mo puwedeng ipagbotohan ang morality. Hindi mo puwedeng ipagbotohan kung ano’ng dapat gawin sa Constitution. Malinaw ang nakalagay sa Constitution e, may trial,” wika niya.

Sinuportahan rin niya ang posisyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na maaari namang repasohin ito ng susunod na Kongreso.

“Tama ‘yung sinabi ni Senate President Escudero na 19th (Congress) ito. Sa 20th Congress, puwede rin magbotohan at sabihing mali ‘yon, we should have the trial,” aniya.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

PNP AKG

2 kidnap victims nailigtas, 4 Chinese national tiklo sa operasyon ng PNP-AKG

DALAWANG kidnap victims ang nailigtas  habang apat na Chinese nationals ang dinakip ng mga tauhan …

QCPD Quezon City

Babaeng grade 3 pupil pinatay sa sakal ng 13-anyos

PATAY sa sakal ng isang 13-anyos batang lalaki ang Grade 3 student na natagpuang walang …

Atong Ang Julie Dondon Patidongan

Kampo ni Atong Ang kasado
TESTIMONYA NI PATIDONGAN KUWESTIYONABLE

MARIING inihayag ng kampo ni Ginoong Charlie “Atong” Ang, malugod na tinanggap nito ang pagsasampa …

FFCCCII Leads Major Food Aid Distribution Across Storm-Hit Regions 

FFCCCII Leads Major Food Aid Distribution Across Storm-Hit Regions 

MANILA — Demonstrating swift solidarity, the Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, …

Joey Salceda ICJ International Court of Justice

Salceda: ‘Other ruling’ ng ICJ, pinatibay ang panawagan ng Pilipinas na tuldukan na ang ‘Climate Injustice’

PINAPUGAYAN ni dating Congressman Joey Sarte Salceda ng Albay ang makasaysayang ‘advisory opinion’ ng ‘International …