Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Senate Senado

Sa Senado  
‘Duterte bloc’ namumuo, impeachment complaint vs VP Sara target ibasura

TAHASANG inamin ni Senador-elect Ronald “Bato” dela Rosa na isang Duterte bloc senators ang namumuo sa senado sa pagpasok ng 20th Congress.

               Target umano ng nasabing grupo na makabuo ng siyam na miyembro ng mga senador para tiyak na maibasura ang inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, sa ngayon ay kompirmado na sina Senator Robin Padilla at sina Senator-elect Christopher Lawrence “Bong” Go, Rodante Marcoleta, at Imee Marcos.

Tumanggi si Dela Rosa na tukuyin ang iba pang mga senador dahil aniya kanya pang kakausapin.

Sa ngayon, aminado si Dela Rosa na naghahanda siya sa paglilitis ng kaso ni Duterte.

Ngunit kung siya ang masusunod, ayaw niyang matuloy ito nang sa ganoon ay maka-focus sa mga development para sa ating bansa.

Aniya, para hindi na tayo magkawatak-watak lalo na sa usapin ng politika.

Tanggap ni Dela Rosa na walang makapipigil para matuloy ang impeachment trial lalo na’t nasa kamay na ng senado ang reklamo at sa pagbabalik sesyon ngayong Hunyo ay tiyak na matatalakay ito.

Ibinunyag ni Dela Rosa na wala pang napag-uusapan ang Duterte bloc kung sino ang susuportahan nila sa napapabalitang posisyon ng Senate President sa pagitan nina Senate President Francis “Chiz” Escudero at Senator-elect at dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Naniniwala si Dela Rosa na hindi na mahalaga kung sino pa ang lider ng senado pagdating sa impeachment trial dahil ang pagbabasehan naman ay ang boto ng bawat senator/judge.

Iginiit ni Dela Rosa na kahit sino ang maging senate President ay lalabas pa rin ang boto ng mga senador na tatawaging “Senate as a whole.”  (NIÑO ACLAN) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …