Monday , August 11 2025
Valenzuela

Valenzuela, Gatchalian country pa rin

NANGUNGUNA pa rin si Valenzuela Mayor WES Gatchalian sa puso ng mga taga-Valenzuela sa nakuhang 295,876 boto sa naganap na 2025 midterm elections kaya naman ‘tuloy ang progreso’ nang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) sa ALERT Center Multi-purpose Center Hall, kahapon, Martes ng umaga, 13 Mayo.

Pasok si First District Councilor Marlon Alejandrino bilang running mate ni Mayor Gatchalian na nakakuha ng 244,708 votes.

               Naging mahigpit ang laban sa Congressional Districts 1 at 2 na nakuha ni Tuloy ang Progreso District 1 candidate Kenneth Gatchalian, ang upuan para sa  House of Representative na nakakuha ng 80,410, lamang ng 781 boto sa katunggaling si Tony Espiritu na may 79,629 boto.

Nagdiwang ang mga tagasuporta ni konsehal Gerald Galang nang magwagi bilang 2nd District Representative sa nakuhang 95,878 boto laban kay Dra. Kat Martinez na nakakuha lamang ng 80,490 boto.

Nakapasok bilang 1st district councilors sina re-electionists Cris Feliciano-Tan, Ghogo Deato Lee, Atty. Bimbo Dela Cruz at first-time councilors Atty. Richard Enriquez, Kisha Ancheta, at Goyong Serrano.

Habang sa District 2 ay sina incumbent Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, re-electionists Niña Lopez, Sel Sabino-Sy, Chiqui Carreon, Mickey Pineda, at Louie Nolasco.  (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at …

JInggoy Estrada

Sen. Jinggoy pinangalanan
3 OPISYAL NG DPWH NA SANGKOT SA PAGGUHO NG ISABELA BRIDGE

TAHASANG tinukoy ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tatlong opisyal ng Department of …

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

Laban Konsyumer Inc LKI Electricity

NEA binatikos ng konsyumer vs pagkokompara sa ‘di-patas na singil

BINATIKOS ng grupong Laban Konsyumer Inc. (LKI) ang National Electrification Administration (NEA) dahil sa anila’y …

BIR money

Bilyong piso nawawala sa gobyerno — BIR
AHENSIYA vs ILEGAL NA KALAKALAN DAPAT ITATAG —  NOGRALES

NANINIWALA si Philippine Tobacco Institute (PTI) President Jericho Nograles na kailangang bumuo ang pamahalaan ng …