Friday , August 8 2025
Martin Romualdez

Speaker Romualdez muling tiniyak suporta ng 3M botante ng Eastern Visayas sa Alyansa senatorial slate ni PBBM

TACLOBAN CITY – Muling tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang matatag na suporta ng mahigit 3 milyong botante mula sa Eastern Visayas para sa mga kandidato sa pagkasenador ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr.

“All out support ang Region 8 para sa Alyansa senatorial slate,” ani Speaker Romualdez sa mga mamamahayag sa isang ambush interview matapos ang Region 8 unity rally na pinangunahan ng Tingog Party-list nina Rep. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre at ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) para sa senatorial slate ni Pangulong Marcos.

Kabilang sa Alyansa slate sina House Majority Leader Erwin Tulfo, dating Interior Secretary Benhur Abalos, Deputy Speaker Camille Villar, Makati Mayor Abby Binay, mga Senador Bong Revilla, Francis Tolentino, Pia Cayetano at Lito Lapid, dating mga Senador Ping Lacson at Manny Pacquiao, at dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Nang tanungin tungkol sa bilang ng mga botante sa rehiyon, tumugon si Romualdez: “Over 3 million po dito.”

Ibinahagi rin niya na nakausap na niya si Pangulong Marcos tungkol sa nasabing rally.

“Of course sinabi ko naman na andito tayo at nandito ‘yung ibang mga senatoriables at mga representante nila. Alam mo naman si Presidente, hindi lang Ilocano, kalahati ‘yan, Waray,” ani Speaker Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD at isang abogado mula sa University of the Philippines (UP).

Bilang pangulo ng Philippine Constitution Association (Philconsa), ang pinakamatandang samahan ng mga legal luminaries sa bansa, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagkakamit ng “straight win” ng Alyansa slate sa rehiyon.

“Kaya siyempre nagpapasalamat talaga siya, we are working na mai-deliver natin ‘yung ano n’ya na straight talaga ‘yung Alyansa,” ani Speaker Romualdez.

Nagpahayag din ng kompiyansa si Speaker Romualdez sa tagumpay ng slate: “I’m hoping for it, but we will do everything we can.”

Dumalo ang libo-libong tagasuporta, lokal na opisyal at mga pinuno ng komunidad sa rally sa Tacloban City, na nagpakita ng malakas na suporta ng rehiyon para sa mga kandidato ng Alyansa.

Ang Eastern Visayas, na binubuo ng anim na probinsiya, ay may mahalagang papel sa pambansang halalan dahil sa malaking bilang ng mga botante.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Jinggoy Estrada Cabagan Sta Maria bridge

DPWH officials panagutin sa bumagsak na tulay — Sen. Jinggoy

GUSTO ni Senate Pro-tempore Jinggoy Estrada na panagutin ang mga opisyal ng Department of Public …

KMPC Kawasaki Motors Atty John Bonifacio

Hiling sa DOLE
KAWASAKI MOTORS NAIS IDEKLARANG ILEGAL, WELGA NG UNYON
Opisyal, BOD ipinasisisbak 

NAGHAIN ang Kawasaki Motors Philippine Corporation (KMPC) ng counter manifestation sa National Conciliation Mediation Board …

National Electrification Administration NEA

90 electric coops mas mababa pa singil sa koryente kaysa Meralco — NEA

HATAW News Team NASA 90 electric cooperatives ang nakapagtatakda ng mas murang singil sa koryente …

Pulilan Bulacan PNP Police

Sa 5-min. emergency response ng PNP
MIYEMBRO NG AGAW-MOTORSIKLO TIKLO

ARESTADO ang isang lalaking hinihinalang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo matapos na muling umatake sa …

Clark Pampanga

Scam hub sa Port of Clark sinalakay, 20 dayuhan timbog, 8 Pinoy nasagip

NASAGIP ang walong Filipino habang nadakip ang 20 Chinese nationals sa pinaniniwalaang scam hub sa …