Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sa NAIA Terminal 1 5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

Sa NAIA Terminal 1
5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

PATAY ang isang 5-anyos anak na babae ng paalis na overseas Filipino worker (OFW) at isang 28-anyos lalaki nang rumampa ang isang sports utility vehicle (SUV) sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City kahapon ng umaga.

               Kinilala ang mga namatay na biktimang sina Maliya Masongsong, 5 anyos, at Dearick Keo Faustino, 28, habang isinugod sa San Juan De Dios Hospital ang ina, lola, at pinsan ng batang biktima; at dalawang iba pa, dahil sa grabeng pinsala.

Nasa kustodiya ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-ASG) si Leo Gonzales, 47 anyos, driver ng Ford Everest, may plakang DCB 3411.

Sa inisyal na ulat, nabatid na kapwa naghatid ng mga aalis na pasahero ang nakasorong SUV at ang mga biktima dakong 8:45 ng umaga sa entrance gate ng  terminal 1.

Ayon sa driver ng SUV, nakahinto siya sa harap ng departure area matapos maibaba ang kanyang inihatid na pasahero.

Paalis na umano siya sa parking area nang biglang may dumaan na sedan ngunit imbes preno, silinyador ang natapakan niya kaya humarurot ang SUV na sumagasa sa steel barrier at sa mga taong naroroon hanggang bumangga sa glass panel ng gusali.

               Pumailalim ang batang biktima sa SUV, habang matindi ang pagkakahagip sa iba pang bitkima na kinilalang sina Edita Soriano, 61, lola; Cynthia Mosongsong, 33, ina; at Safiya Masongsong, 7, pinsan. Lahat sila ay dinala sa San Juan de Dios Hospital.

               Samantala, imbes tumuloy sa kanyang biyahe, nabatid na lumabas sa departure area ang ama ng biktimang si Maliya, kinilalang si Mark Masongsong, nang itawag sa kanya ng isang kaanak ang insidente.  

               “Anak ko ‘yan! Anak ko ‘yan!” ang tanging nasabi ng ama habang pinakakalma ng mga pulis at security guards sa airport.

Sinabing halos hindi na makilala ang batang biktima dahil sa tindi ng pinsala.

               Ilang minuto bago ang insidente, yinakap at hinalikan ni Mark ang anak at nagpaalam saka pumasok sa departure area para sumakay ng eroplano.

               Ayon sa kaanak ng mga Masongsong, ito ang pinakamatagal na panahon (tatlong linggo) na nakasama ng ama ang kanyang mga anak.

               “‘Yung bata ngayon pa lamang nakasama ng tatay. Bago siya sumakay maliit pa ‘yung bata, wala pang malay, e ngayon nangyari sa hindi inaasahan ay talagang napakahirap tanggapin,” pahayag ng kaanak.

               Ang ina ng bata na si Cynthia, ay nanatiling nasa kritikal na kondisyon. Mula sa San Juan De Dios Hospital ay inilipat sa St. Luke’s Medical Center.

Kabilang din sa nasugatan ang 61-anyos ina ni Mark na si Editha at ang 7-anyos na pamangkin.

               Pauwi na ang mga biktima sa Lipa City, Batangas nang maganap ang insidente. 

Habang ang driver na si Gonzales, residente sa Brgy. Tayuman, Lobo, Batangas, ay naghatid din ng pasahero.

Personal na tumulong sa pag-alis ng SUV sa lugar ng insidente si New NAIA Infra Corp. (NNIC) President Ramon S. Ang, na agad na nagtungo sa  paliparan upang makita ang sitwasyon.

Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na isa sa kanilang iimbestigahan ay ang paglusot ng SUV sa steel barrier.

Ani Dizon, dapat ay nakabaon ang steel barrier na magsisilbing proteksiyon sa departure level ng NAIA.

Pero lumilitaw na mababaw o tila nakapatong lamang ang steel barrier kaya hindi napigilan ang rumampang SUV.

Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) ang preventive suspension sa lisensiya ng driver ng SUV sa loob ng 90 araw. Naglabas din ng show cause order ang LTO laban sa rehistradong may-ari ng sasakyan at sa mismong driver, na inaatasang isuko agad ang kanyang lisensiya. Isasailalim din sa drug test ang driver ng SUV.

Samantala, sinabi ni Ang na kanyang  sasagutin ang mga gastusin sa pagpapagamot ng apat na indibiduwal na nasugatan at magbibigay ng tulong pinansiyal sa pamilya ng dalawang namatay sa insidente. (HATAW News Team)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …