Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sara Duterte Lorna Kapunan

Swak sa Article 7
SARA ‘SIRA’ — KAPUNAN

050325 Hataw Frontpage

NANINIWALA si Atty. Lorna Kapunan, seguradong mako-convict si Vice President Sara Duterte sa isinampang impeachment complaint laban sa kanya dahil sa pagiging ‘lutang’ sa kanyang mga sinasabi at ginagawi.

Ayon kay Kapunan, malabong malusutan ni VP Sara ang nakapaloob sa Article 7 ng impeachment complaint — “The totality of respondent’s conduct as Vice President…” — na aniya’y mistulang laging lutang at ‘wala sa sarili’.

Iginiit ni Kapunan, alam niya ang kilos at gawi kung ang isang tao ay baliw o crazy.

“I know what’s crazy looks like… and it looks like that,” pagdidiin ng abogada.

Ani Kapunan, may dysfunctionality kay VP Sara, ito ay dahil sa pinagdaraanan niya at ang pagkakaroon  ng dysfunctional family.

Binigyang diin ni Kapunan, sa loob ng 47 taon ng kanyang practice bilang isang court litigation lawyer,  ang nilalaman ng Article 7 para sa isang public official ay malinaw na nilabag ni VP Sara.

“When you have an out of body experience is what the word you called ‘lutang’,” ani Kapunan sa isang panayam.

Bukod dito, binanggit ni Kapunan, ang pagkakaroon ng disagreement ng mag-amang Duterte ay lubhang nakaaapekto sa pagkatao ni VP Sara.

Dahil dito, naniniwala si Kapunan na hindi na karapat-dapat pa sa kanyang puwesto si VP Sara.

Gayondin, inihalimbawa ni Kapunan ang ginawang pahayag ni VP Sara nang tumayo sa entablado sa isang kampanya at tinukoy ang tatlong katangian ng lider na dapat iboto ng taong bayan.

Una, hindi isang taga-aliw o sumasayaw; ikalawa, hindi nagbabayad o nagbibigay ng pera; at ikatlo, hindi awtomatikong dapat iboto ang isang kandidato na inendoso ng isang maimpluwensiyang tao.

Lahat ng tinuran ni VP Sara ay sinabing tumutukoy at naglalarawan sa mga kandidatong kanyang inendoso na tila nagpapakita ng kawalan ng komprehensiyon o hindi tamang pag-iisip sa kanyang pahayag. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …