Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin Lito Lapid

Coco muling sinamahan si Supremo Lito sa paglibot sa QC

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

LAST Sunday, April 27 ay muling nagkasama sina Supremo Senador Lito Lapid at direk Coco Martinsa isinagawang motorcade sa ilang palengke sa Quezon City. 

Kitang-kita talaga ang suporta ni Coco sa itinuturing din niyang ‘tatay’ dahil kahit na noong ‘mapatay’ ang karakter ni Supremo sa Batang Quiapo, lagi itong nagbibigay ng oras sa mga gayang activity.

Nakatataba ng puso ang mainit na pagsalubong at pagyakap sa akin ng mga kababayan natin dito sa Quezon City. Ang pagmamahal at suporta nila ay susuklian ko ng tapat at malinis na paglilingkod,” ayon kay Lapid. 

Sa isang panayam, nangako si Lapid na uunahin ang pagkakaloob ng libreng mga gamot at libreng ospital sa mga mahihirap na senior citizen kapag nanalo sa midterm elections sa May 12. 

Dagdag ni Lapid, marapat lang na mabigyan ng kaginhawaan ang mga senior citizen na matagal nang nagserbisyo sa lipunan. Si Lapid ay isa sa mga may akda ng Expanded Senior Citizens Law o Republic Act No. 10645 na nagbibigay ng mandatory membership sa PHILHEALTH ng mga senior citizen. Layunin ng batas na ito na masakop ang mga lolo at lola ng Philhealth pagdating sa edad na 60.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …