Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Baseco Trike driver utas sa boga

PATAY ang isang tricycle operator nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek habang nagpapatila ng ulan sa tapat ng health center sa Port Area, Maynila.

Kinilala ni PO3 Lester Evangelista ng MPD homicide, ang biktimang si Joseph Pasagoy Millar, 43, ng Block 15-A, Baseco Compound, Port Area, Maynila, habang hindi natukoy ang mga suspek na agad na tumakas matapos isagawa ang krimen.

Ayon kay PO3 Evangelista dakong 10:25 p.m. nang naganap ang pagpatay sa biktima sa main road ng Baseco Compound sa tabi ng President Corazon Aquino Health center.

Nabatid na kasama ng biktima ang live-in partner na si Brendalyn Ibañez at nagpapatila ng ulan sa naturang lugar nang dumating ang dalawang suspek at agad pinaputukan nang dalawang beses si Millar sa kanyang ulo.

Inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo ng pamamaril sa biktima.

(LEONARD BASILIO/DAPHNEY ROSE TICBAEN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …