Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
celia rodriguez

Celia binanatan sa pagkuda sa burol ni Nora

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

GO papa Ambet, i-push na nga iyan,” pag-uudyok ng mga Noranian friend naming nagsabing imbes kasing makatulong eh tila nakakadagdag stress at nega vibes pa si manang Celia Rodriguez.

Eversince ay hindi namin kailanman pinatulan ang mga naging patutsada noon ni mamang Celia laban sa mahal nating Queenstar for All Seasons Ms. Vilma Santos-Recto.

For respeto sa kanyang pagiging beterana, kapwa taga-Bicol at naging kaibigan din naman namin ito dahil may mga relative siyang very close sa amin, hinayaan naming ang iba ang pumuna sa kanya.

Pero nitong huli at sa mismong lamay pa ni Nora Aunor, tila muli na namang nagpapansin ang beteranang aktres sa pagkuda tungkol sa susunod na National Artist from showbiz. 

Kahit hindi niya binanggit ang name ni ate Vi, mahina na lang ang hindi makaaalam na ito nga ang kanyang pinatatamaan.

As our mga kapwa-Uragon from Sorsogon, Iriga and Albay aptly put it via their messages to us, “kasupog man tabe ang mga kinukuda niya. Dae na nakakatabang para sa sarong tao na tinataw-an nin orgullo asin halangkaw na respeto kan kinab-an. Kung sa iya kaya ibalik an mga hanash niya, anong body of work an nagawa o na-i-contribute niya liwat sa industriya na tatak niya?”

In tagalog translation “nakakahiya naman ang mga sinasabi niya. Hindi na nakakatulong sa isang tao na binibigyan ng karangalan at mataas na respeto ng sambayanan. Kung sa kanya kaya ibalik ang mga sinasabi niya, ano ang maipagmamalaki niyang body of work na nagawa o na-i-contribute niya?”

Aguy uy!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …