Wednesday , May 7 2025
Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang oras sa Bulungan Market, sa Brgy. La Huerta, sa lungsod ng Parañaque, nitong Linggo ng hapon, 13 Abril.

Kinilala ni P/Lt. Madison Perie ng Parañaque CPS ang suspek na si alyas Andy, tubong Samar.

Ayon kay Perie, nakitang pagala-gala sa palengke ang suspek dala ang patalim ilang minuto bago kunin ang batang naglalaro sa isang kalye malapit sa Bulungan Market.

Agad tumawag ng tulong mula sa pulisya ang mga taong nakakita sa insidente.

Samantala, nasugatan ang nagrespondeng pulis na si Pat. Samuel Melad sa kaniyang kanang kamay nang tangkaing agawin ang kutsilyo mula sa suspek.

Nagawang masagip ng mga awtoridad ang batang biktima na sa kabutihang palad ay hindi nasugatan.

Hindi inilabas ng pulisya ang dahilan ng suspek sa pangho-hostage sa batang biktima.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa Parañaque CPS custodial facility at sinampahan ng kasong serious illegal detention, child abuse, grave threat, alarm and scandal, at illegal possession of a bladed weapon.

About hataw tabloid

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …