Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 grade 8 students dedo sa saksak ng 3 menor de edad

041425 Hataw Frontpage

HATAW News Team

DALAWANG Grade 8 students ang napaslang sa pananaksak ng tatlong estudyante rin, pawang menor de edad, sa labas ng kanilang paaralan sa Las Piñas City nitong nakaraang Biyernes, 11 Abril.

Kinilala ni P/Col. Sandro Tafalla, Las Piñas City Police chief, ang mga biktimang sina alyas Rye Enzo at alyas Joshua, kapwa 15 anyos, parehong Grade 8 students sa Aguilar High School.

Ayon kay Tafalla, naglalakad ang mga biktima pauwi sa kanilang tahanan sa labas ng eskuwelahan nang atakehin ng mga suspek dakong &:00 pm sa Balikatan St., Barangay CAA, Las Piñas City.

Aniya, si Enzo ay may saksak sa kaliwang bahagi ng leeg, at namatay habang nilalapatan ng lunas sa Las Piñas Doctors Hospital, habang si alyas Joshua ay idineklarang dead on arrival sa Las Piñas General Hospital.

Sa ulat ng pulisya, bago ang insidente, isa sa mga biktima at isang 15-anyos Grade 9 student ay nagkasagutan sa loob ng comfort room ng paaralan.

               Kuwento ng isang saksi, isa sa mga biktima ay pinaglaruang patay-sindi ang ilaw sa comfort room na ikinainis ng Grade 9 student. Kasunod nito nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa.

               Nang pauwi na ang mga biktima, inatake sila ng Grade 9 student at dalawang iba pa — isang Grade 7 student at isang Grade 10 student.

Ayon kay Tafalla, ang mga suspek ay isinuko ng kanilang pamilya sa pulisya. Nabatid na sila ay dadalhin sa Bahay Pag-asa sa Las Piñas City.

               Aniya, ang mga arestadong suspek ay sasampahan ng kasong homicide o murder depende sa resulta ng imbestigasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …