Thursday , August 14 2025
TRABAHO Partylist nanawagan ng mas matibay na suporta ng gobyerno sa maliliit na negosyo

TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas matibay na suporta ng gobyerno sa maliliit na negosyo

NANAWAGAN ang TRABAHO Partylist ng mas pinaigting na suporta mula sa pamahalaan para sa mga maliliit na negosyo, kasunod ng panawagan mula sa mga mambabatas at lider ng industriya na bigyang-prayoridad ang tulong para sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs).

Ayon sa mga mambabatas at kinatawan ng sektor ng negosyo, kailangang tutukan ng pamahalaan ang MSMEs na itinuturing na gulugod ng ekonomiya ng Filipinas at mahalaga sa paglikha ng trabaho at pagbangon ng ekonomiya.

Ipinahayag ng TRABAHO Partylist ang kanilang suporta sa naturang panawagan at binigyang-diin na ang pagpapalakas sa maliliit na negosyo ay susi sa malawak, inklusibo, at sustenableng oportunidad sa trabaho, pangunahing adbokasiya ng grupo.

“Napakahalaga ng maliliit na negosyo sa kabuhayan ng milyon-milyong Filipino, lalo sa hanay ng manggagawa,” ani Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist. “Ang pagbibigay ng mas madaling access sa pautang, pagsasanay sa kasanayan, at pagbawas sa red tape ay mahalagang hakbang tungo sa marangal na trabaho at matatag na ekonomiya.”

Bilang tinig ng uring manggagawa sa Kongreso, matagal nang isinusulong ng TRABAHO Partylist ang mga reporma sa patakaran para sa paglikha ng trabaho, pagtaas ng antas ng kasanayan, at pagpapabuti ng kondisyon sa paggawa. Kabilang sa kanilang mga layunin ang pagtaas ng pondo para sa mga ahensiyang tagapagtaguyod ng trabaho tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Sa harap ng patuloy na hamong pang-ekonomiya, nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga mambabatas at ahensiya ng gobyerno na agarang kumilos.

“Ngayon na ang tamang panahon upang maging maagap. Sa pagtulong sa maliliit na negosyo, hindi lamang natin pinangangalagaan ang kabuhayan kundi pinalalago rin natin ang inklusibong pag-unlad,” dagdag ni Atty. Espiritu.

Sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Kongreso sa mga panukalang may kinalaman sa MSMEs, nangakong mananatiling katuwang ang TRABAHO Partylist sa pagsusulong ng mga batas na nakatutulong sa pangangailangan ng mga manggagawa at ng mga negosyong kanilang pinaglilingkuran.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …