Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
san juan city

Sa San Juan  
Jeep bumangga sa tindahan pedestrians sugatan

BUMANGGA sa isang tindahan ang isang public utility jeepney (PUJ) na ikinasugat ng ilang pedestrian sa kahabaan ng F. Blumentritt corner N. Domingo St., sa lungsod ng San Juan, nitong Miyerkoles, 9 Abril.

Ayon sa San Juan City Disaster Risk Reduction and Monitoring Office (CDRRMO) at ilang mga nakasaksi, naganap ang insidente dakong 7:50 ng umaga kahapon at ilang pedestrian, at isang rider ang nasaktan.

Agad binigyan ng paunang lunas ng mga nagrespondeng rescue team ang mga biktima na kasalukuyan nang nasa ligtas na kondisyon.

Ayon sa mga saksi, umaatras ang jeep nang mawalan ito ng preno, dahilan upang masagasaan ang mga pedestrian.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng jeep para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …