Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillante Kathryn Bernardo Daniel Padilla Kyle Echarri Juan Karlos Richard Gutierrez

Gulo sa after party ng ABS CBN Ball
RICHARD AT JUAN KARLOS NAGKA-INITAN DAW

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

“HINDI naman totoo, baka muntikan lang. Pero may nasapok nga raw,” sey ng napagtanungan namin sa isyung umano’y ‘gulo’ kina Daniel Padilla at Kyle Echarri, with Juan Karlos and Richard Gutierrez on the side.

Hindi raw totoo ang ‘suntukan o pambubuno’ among the concerns, pero talagang nagka-tensiyon sa ABS-CBN Ball nang dahil lang sa umano’y tila miscommunication.

Ang tsika kasi, pinuntahan ni Kyle ang nananahimik na si Daniel at tila mayroon itong sinabi na hindi maganda base sa ‘facial expression’ nito. At dahil magkasama lang sina Daniel at Richard, namataan umano ni Richard si Juan Karlos na tila sumesenyas daw kay Kyle.

At ‘yun na nga bago pa man magkagulo, may mga nakapansin na ring kinauukulan kaya’t agad na napigilan ang anumang ‘gulo.’

Basta after that, nabalitaan na lang naming ‘nasapok’ umano ni Richard si Juan Karlos,” sey pa ng aming source.

Ang lahat daw ng iyan ay naganap sa ibaba ng venue ng ‘ball’ habang ang karamihan ng celebrities ay nasa itaas na.

May kuwento pang bumaba si Piolo Pascual para awatin siguro o sunduin sina Kyle at Juan Karlos. May tsika pa ring kahit naroon si tita Annabelle Rama ay hindi ito basta nanghimasok para sa anak na si Richard.

At talagang wala raw kinalaman si Kathryn na nag-eenjoy sa event at balitang hindi nag-react sa naturang ganap.

May mga nagsasabi pa ngang baka umano may kinalaman kay Andrea Brillantes ang naging isyu ni Kyle kay Daniel, pero sapantaha nga ‘yun ng maraming nakakakilala sa special friendship nina Kyle at Andrea.

Pero kung totoo mang nasapok ni Chard si Juan Karlos, ang huli ang tila naging ‘kontrabida’ sa kwento dahil umano sa pagiging maangas nito at pagmumuwestra kay Kyle ng kung ano para umano kay Daniel. Na ‘deadma’ lang naman daw si Kyle.

Nakakalokah pero alin nga kaya sa mga senaryong iyan ang naganap na totoo o hindi?

Naku hintayin muna nga nating magsalita ang apat sa kung ano ba talaga ang totoo at nangyari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …