Monday , May 5 2025
Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign relations na pinamumunuan ni Senador Imee Marcos ukol sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) at kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands.

Ang pagtatanggol ni Escudero ay mayroong kaugnayan sa mga petisyong isinampa sa Korte Suprema ukol sa pag-aresto na maituturing na ‘sub judice’ at ‘moot and academic’ na dahil nakakulong na ang dating Pangulo.

Ayon kay Escudero, wala siyang nakikitang pamomolitika sa ginagawa ni Marcos para gamiting venue ang imbestigasyon sa kanyang kampanya sa muling pagbabalik sa senado.

Iginiit ni Escudero, ang ginawa ni Marcos ay isang ‘aid of legislation’ at nakikita niyang mayroong panukalang batas ang maaaring maging bunga ng imbestigasyon.

Tinukoy ni Escudero ang posibleng pag-amyenda sa international humanitarian law, bilang paglilinaw sa probisyon ng Saligang Batas partikular ang Article 3 Section 2 na nagsasabing: “No person shall be deprived of life, liberty, or property without dure process of law nor shall anyone be denied equal protection of the laws.”

“Kasi nakasaad doon, ‘yong mga probisyon na kinakaharap natin partikular ‘yung sa arrest warrant. The right of the people to be secure and their persons, houses, papers, and effects against unreasonable searches and seizure of whatever nation for any purpose shall be in violable…

“At itong probisyon na ‘to and no search warrant or warrant of arrest shall issue except upon probable cause to be determined personally by the judge. After examination under author affirmation by the complainant, and the witness, it may produce and particularly describing the place to be searched the person’s thing to be seized.

“‘Yong judge ba roon saklaw ‘yung ICC judge? ‘Yong judge ba roon, aplikable lang ‘yung Bill of Rights sa judge ng pamahalaan? O aplikable rin ba siya sa mga judge ng ibang bansa? Kung saan pwedeng kuwestiyonin ang kahit sinong Filipino na inisyuhan ng warrant ng judge mula sa ibang bansa. Kung may pagkakaisyu nga ba ng warrant ay naaayon sa ating Saligang Batas,” ani Escudero sa isang panayam.

Inamin ni Escudero na mayroon siyang mga nilagdaang subpoena batay sa kahilingan at rekomendasyon ni Marcos para sa susunod na pagdinig.

Ngunit tumanggi si Escudero na tukuyin kung sino, aniya hindi niya matandaan ngunit tanging naaala lamang niya ay si Gen. Torre.

Handa si Escudero sa magiging tugon ng Executive department kung papayagan nilang padaluhin ang mga miyembro ng gabinete lalo na’t nauna nang lumiham si Executive Secretary Lucas Bersamin sa senado na ginagamit ang executive privilege para hindi dumalo ang mga miyembro ng gabinete.

Umaasa si Marcos na ang pagdinig ng senado ay makatulong sa paghihilom at hindi upang makadagdag ng tensiyon at pagkawatak-watak. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …